|
|
| Eugene nawalan ng 2 pelikulaAuthor: Sun.Star LALONG nagiging masama ang epekto ng minsang hindi pagkakasundo ng manager ni Eugene Domingo at Regal Films mogul na si Mother Lily Monteverde sa isang proyekto na dapat sana ay gagawin ng aktres. Dalawa sa pelikula na naka-line up para kay Eugene ay hindi na ibibigay sa kanya ng Regal dahil sa hindi pagtanggap diumano ng manager nito na si Ricky Gallardo sa binagong kasunduan ni Mother Lily para sa pelikulang "Shake, Rattle, and Roll X" (SRRX). What's your take on the Mindanao crisis? Discuss views with other readers Pahayag ni Ricky sa isang column sa PEP, hindi umano tinanggal ang komedyana gaya ng naisulat ng ilan kundi sila ang hindi tumanggap sa alok ng Regal. Aniya, ang dahilan ng pag-turn down nila sa pelikula ay sapagkat hindi tumupad ang Regal sa pinagkasunduan nila. "Ang linaw-linaw ng usapan, maayos na ang lahat, tapos binago pa. Ayaw naming ma-stress kaya hindi na lang namin tinanggap," pahayag ni Ricky. Hindi naman daw nila ipu-pull out si Eugene kung simpleng sumunod lang ang Regal sa kanilang napagkasunduan na sinasabing may kinalaman sa paraan ng pagbabayad sa kanyang alaga. Ayon naman sa Regal, "mahirap daw ka-deal ang manager ni Eugene kaya inalis nalang daw ang aktres sa pelikula." Aswang slayer na si Nieves sana ang karakter na gagampanan ni Eugene para sa isang episode ng SRRX. Ayon kay Mother Lily, si Marian Rivera na ang napiling papalit sa papel ni Eugene. Dahil sa nangyari apektado na rin ang ilan pang nakalinyang proyekto ng Regal para kay Eugene. Hindi na rin siya umano kasama sa cast ng "Desperadas 2" kung saan gaganap sana siya bilang long-lost sister ng apat na nag-gagandahang artista na sina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, at Marian. Ang pelikulang "Ang Nanay kong Aswang" ay hindi na rin niya gaggawin gayundin ang Valentine movie ni Richard Gutierrez at KC Concepcion kung iko-co-produced ito ng Regal katuwang ang GMA Films. Pahayag ng manager ni Eugene, ayos lang naman daw sa kanyang alaga ang nangyari at iginiit na kung sumunod lang daw sana ang film outfit sa kasunduan ay hindi na sana nangyari ang ganito. Parehong kasama ang "SRRX" at "Desperadas 2" sa pelikulang ilalahok ng Regal Films sa Metro Manila Film Festival (MFFF). Imbes na tatlo isa nalang ang movie ni Eugene na kasali sa MFFF. Kasama siya sa sequel ng "Ang Tanging Ina Ninyong Lahat" na pagbibidahan ni Ai-Ai delas Alas na ipo-produce ng Star Cinema. Magiging busy din siya para sa kanyang matagal na nakaplanong launching movie sa Viva Films na "Demetria MD." (JRDB/Sunnex) For more Philippine news , visit Sun.Star Dumaguete . (October 23, 2008 issue) Source: Sunstar Daily |