|
|
| Eula Valdez, may tama sa tuhod!![]() Author: Dondon Sermino NASA kolehiyo pa lang si Eula Valdez ay may tama na ang kanyang kanang tuhod. Nakuha umano yon ni Eula sa paglalaro ng volleyball noon sa UST. Pero, binalewala lang ni Eula ang sakit, dahil pakiramdam niya ay gumaling na rin naman ang sakit sa tuhod niya. Hindi na rin naman daw sumusumpong, kaya hindi na niya pinaopera pa. Pero kamakailan, biglang-bigla ay bumalik ang sakit sa tuhod ni Eula. Mas matindi ang sakit, na tipong hindi na niya matiis pa ang sobrang sakit. Sa presscon ng Makuha Ka Sa Tikim (Cooking showdown ng Knorr) nila ni Jean Garcia, paika-ika na dumating si Eula. Kailangan pa siyang alalayan para lang makalakad, dahil hindi pa niya kayang itungkod ang kanyang kanang binti. Kitang-kita nga sa kanyang mukha ang masakit na pakiramdam. Pero siyempre, hindi pa rin nawawala yung ngiti, lalo na parehong positibo ang sitwasyon ng kanyang lovelife at career. "College ako nu`ng ma-injured ang tuhod ko. Pumapasok ako sa school na may cast ang tuhod ko. Hindi ko pinaopera noon, kasi natakot ako, dahil tinuturo nila sa akin `yung mga butas na gagawin. Eh ngayon daw, medyo maliit na lang ang gagawin at hindi na masyadong halata. "Kung hindi ko ipapaopera ito, maghi-heal na lang daw siya itself, pero ganu`n pa rin, pabalik-balik pa rin, madi-dislocate pa rin daw. Eh, hindi puwede na hindi ako maglaro. Kailangan kong kumilos nang kumilos," sabi ni Eula. Sabi nga ni Eula, sa sandaling gumaling ang tuhod niya, lahat ng mararahas na laro na kailangan ang matinding pagkilos ay gagawin niya. "Pag gumaling talaga ako, lahat talaga gagawin ko. "Sabi naman nila sa akin, madali lang ang operation. Puwede nga raw na out-patient lang ako dahil madali lang ang process. Sabi nila, in 2 weeks daw, puwede na akong maglakad-lakad. "Pero `yung pagri-recover, `yung puwede ka sa mga strenuous na paglalaro, medyo matagal. Pero gusto ko talagang maglaro. "Mamamatay ako kapag hindi ako nakapaglaro. Tumutulo ang laway ko kapag nanonood ako ng mga naglalaro," pangiti-ngiting kuwento ni Eula. Sa ngayon, kailangan lang asikasuhin muna ni Eula ang mga trabahong natanguan niya tulad nga ng Makuha Ka Sa Tikim at Kampanerang Kuba sa ABS-CBN. Siyanga pala, 27 na mga kababaihan ang maglalaban-laban sa pagluluto sa Makuha Ka Sa Tikim, na ang premyo ay P1M. Sino kaya kina Stephanie Ramos, Sienna Angeli Mateo, Gladys Estabilo, Rowena Morados, Daisy Gazelle Mabanto, Alma Camocamo, Jacqueline Lacandula, Myr-na Mulleno, Jennie Bulat-ag, Joannah Ramores, Cecil Estrallado, Luningning Bangot, Norhamin delos Reyes, Fatima Canda, Carla Pena, Francis Anne Rivera-Virtudazo, Gemma Aldama, Mia Martinez-Mancio, Matheen Alvarez, Spicy Susan Quimico, Cristina Oli, Cecille Calaguas, Nomie Cruz, Emily-Lynn Puruganan, Analiza Pueblo, Vanessa Celis at Juna-lyn Jareno ang magwawagi? *** Ini-release na ni Jerome Abalos ang kanyang second carrier single, ang Bukas, Ngayon at Kailan Man, mula sa Able Music International. Kaya naman magiging busy na si Jerome sa kanyang mall tours sa ibat ibang panig ng Pilipinas, na suportado ng Nine Planets Apparel. Nagsimula si Jerome bilang bokalista ng trash metal rock group na Death By Stereo noong 90s. Sumikat ang banda at nagdesisyon si Jerome na mag-solo. Si Jerome ang kumanta ng Larawang Kupas. Siyanga pala, naghahanda rin si Jerome para sa kanyang solo concert sa Metro Bar sa November 3. *** Bawal nga bang ipalabas sa telebisyon ang MTV na ginawa nina Maricar Fernandez at Masculados para sa White Castle 69? Sa presscon ng Masculados at ni Maricar, ipinalabas ang naturang MTV, at sa sarili naming opinion ay medyo mahihirapan nga na ipalabas ito sa TV. Hindi sa kung ano pa man, pero seksing-seksi kasi ang kasuotan ni Maricar, at kakaiba rin ang paggiling na ginawa niya sa MTV. Sa costume pa lang ni Maricar, na halos labas na ang kanyang puwet, imposible ngang maipalabas ito, lalo na at may mga bata na madalas na nakatutok sa TV. Pero, hindi lang naman ang video ang posibleng naging dahilan kung bakit o kung totoo mang ipinagbawal ang MTV nila na maipalabas sa TV. Pati ang mga linya sa kanta ng Masculados, ang Swak na Swak, na ginawa ni Lito Camo, ay dapat din sigurong salain. May kakaibang malisya kasi ang dating, kahit gusto mong iwasan. May mga linya kasi sa kanta lalong titigas at hahaba hanggang sa umabot ka sa 69. Kungsa unang pakikinig ay may malisya ang dating, lalo na sa mga taong puno ng malisya angisip,kung aanalisahinmo namannang husto,parang naglalaro lang ito at nangi-ngiliti, pero hindina-mantuluyang nambabastos. Kasi nga, ang tinutukoy na-man na titigas ng Masculados ay ang kanilang mga muscles, at ang hahaba naman ay ang kanilang mga buhay, na ang sina-sabi namang 69 ay ang kanilang edad. Kumbaga, puwede ka raw umabot ng 69 years old, kung iinom ka ng tama. Anyway, kapansin-pansin din ang ganda ni Maricar ngayon. May nag-iba sa kanyang muk-ha, dahil mas malinaw ang ganda niya ngayon, pero sabi naman niya, wala raw siyang ipinaretoke rito. Kahit daw angkanyang boobs ay hindi rin pinagalaw sa doctor. Noon pa nga niya si-nasabi na hinding-hindi siya magpaparetoke, dahil takot siya sa operasyon, bukod pa sa may problema raw siya sa peklat dahil hindi raw ito gumagaling agad at nag-iiwan pa ng matinding bakas. "Masaya lang ako, kaya siguro may nabago sa mukha ko. Iba kasi kapag masaya ka, mas nagiging maganda ang dating mo sa mga tao," sabi ni Maricar. Teka lang, umiinom ba ng alak si Maricar? Paano niya masasabing masarap ang iniendorso niya kung hindi naman niya natitik-man? "Natikman ko na ang White Castle 69, at masarap siya, ha! Enjoy ako sa 69! Ha! Ha! Ha! Ha!" pilyang say ni Maricar. Siyanga pala, nagpapa-salamat din ang Masculados sa White Castle 69, dahil kung hindi pa kinuha ang serbisyo nila, malamang ay hiwa-hiwalay na sila ngayon. Source: Abante |