Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Eula, cause of delay sa 'The Wedding'

Author: Vinia Vivar

Kahapon ay umalis na si Anne Curtis para sa European vacation tour na matagal nang pinaghandaan, pero bago siya umalis, nakatsikahan muna namin siya last Monday night sa launching ng bagong TVC (TV commercial) for GSM Blue.

Isang buwan ding mawawala si Anne at matagal na niya itong ipinagpaalam sa ABS-CBN at sa manager na si Veronique del Rosario ng Viva Artists Agency.

Say namin, mabuti at pinayagan siya na isang buwang mawala at aniya, wala siyang maiiwang trabaho dahil canned na ang The Wedding, serye niya sa ABS-CBN.

Bukod dito, super lagare siya ng Dyosa noon at Baler kaya gift na niya ang tour sa sarili.

Spain at Italy ang target ni Anne na puntahan. Kasama niya ang friends niya, including Raymond Gutierrez, na nauna nang umalis noong Monday.

Mag-isa lang daw siya sa Spain dahil ayaw sumama ng friends niya. Magkikita na lang daw sila nina Raymond sa Rome after two weeks.

Biniro nga siya kung hindi ba siya natatakot sa swine flu na lumalaganap ngayon at sabi niya, that morning, nagpa-flu vaccine na siya para sigurado.

Hiningan namin ng reaksyon si Anne tungkol sa bagong development sa The Wedding na hindi na naman maipalalabas dahil kay Eula Valdez.

May umeere pala ngayong serye si Eula sa Siyete at magkakaroon ng conflict kung sabay na mapapanood ang aktres sa primetime slot ng maglabang istasyon.

Isa sa bida si Eula sa soap ng GMA-7 at mahalaga rin ang role niya sa The Wedding bilang nanay ni Anne.

Ayon kay Anne, sad siya na na-delay na naman ang airing ng The Wedding pero wala siyang magagawa. Hindi raw niya sinisisi si Eula dahil alam niyang wala itong kasalanan.

* * *

Pinasahan kami ni Reggee Bonoan ng in-e-mail sa kanya ni Vina Morales na picture ng baby nila ni Cedrik Lee na si Ceana.

Nakalagay din sa e-mail ni Vina na "Ceana Lee was born on April 25, 8:47a. m. , in Cardinal Santos Hospital. She weighs 6. 9 pounds and was delivered normal by Dra. Solema Granados. "

Ang nakakatuwa, pinagtabi ni Vina ang baby picture niya noon at picture ng anak and we'd say magkamukhang-magkamukha ang mag-ina.

Breastfeeding daw si Vina kay Ceana at enjoy na enjoy ang bagong mommy sa panganay. Say nga raw nito, "Ang sarap maging mom!"

Nakausap na rin ni Vina sina Johnny Manahan at Mariole Alberto ng Star Magic tungkol sa pagbabalik niya sa trabaho at napagkasunduan nilang i-enjoy muna ni Vina si Ceana at kung ready na siya, may naghihintay na trabaho, dahil marami nang offers ngayon. Pati ang mga naputol na tour, itutuloy.

"Baka mabinat din kasi ako, so, rest lang muna and enjoying taking care of Ceana, hehe, ang ganda, 'di ba?" say pa raw ni Vina.

Hindi pa masabi ng bagong ina kung kailan ang binyag dahil palalakihin muna si Ceana.

Source: People's Tonight