|
|
| Eula, nabugbog sa syuting!![]() Author: Dondon Sermino “SOBRANG nakakapagod!” 'yan ang reklamo ni Eula Valdez sa syuting ng indie film na Manghuhula, na dinirek ni Paolo Herras. Kuwento pa ni Eula, nabugbog siya sa isang eksena, na kung saan ay hinabul-habol at sinaktan siya ng maraming tao. Papel ng isang manghuhula ang ginampanan ni Eula sa Manghuhula. Salot ang tingin sa kanya ng maraming tao sa kanilang lugar. “Ang daming habulan. Sa simula, natakot ang mga tao na hawakan ako dahil baka masaktan ako. Pero, binigyan ko sila ng go signal na sige, saktan nila ako, bugbugin nila ako, para mas lumabas na totoo `yung eksena. “Eh, ginawa naman nila. Kaya hayun, nakakapagod at nabugbog talaga ako. Ang dami kong galos sa legs, ang dami kong pasa after the scene. Pero okey lang, lumabas namang maganda ang eksena,” kuwento ni Eula. Source: Abante |