Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Eula, tinarayan sina Jenny at Vaness nang mag-guest sa KAI

Eula, tinarayan sina Jenny at Vaness nang mag-guest sa KAI

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

KOMO mga babae ang celebrity guests ng Kung Ako Ikaw, malakas ang intriga sa set ng KAI dahil balitang nagtatarayan ang tatlong aktres na sina Eula Valdez, Jenny Miller at Vaness del Moral.

Sabi ng staff na na kausap namin, walang problema sa kasipagan ang tatlo. Talaga raw ng nagkasugat-sugat ang kanilang mga kamay sa paggawa ng lahat ng tasks.

Pero, talaga lang daw nagsisilipan sa trabaho ang tatlo. Mabuti na lang, ayon sa staff, hindi nauwi sa sampalan o sabunutan ang tarayan ng tatlo.

* * *

AYAW magsalita ni Iza Calzado kung ano ang ma-gaganap sa final episode ng Joaquin Bordado na magtatapos sa July 11 at live na mapapanood sa Studio 3 ng GMA-7. Basta ayon sa kanya, kakaiba raw ang magiging ending ng soap opera. Sila pa rin kaya ni Robin Padilla sa ending o may pagbaba-gong magaganap sa re-lasyon nila?

Anyway, si Iza ay excited ngayon sa mga gagawing pelikula niya pagkatapos ng Joaquin.

Sisimulan na niya ang sequel ng Desperadas na kumita noong 2007 Metro Manila Film Festival. May gagawin din si Iza sa GMA Films. 'Di pa lang daw niya masigurado kung anong movie ito.

Dahil sa rami ng sche-dule ni Iza sa pelikula, natatakot siya na baka hindi matuloy ang kanyang ba-kasyon sa Canada o U. S. Gusto muna niyang magpahinga pagkatapos ng sunud-sunod na tapings.

* * *

MAPAPANOOD na ang pinakahihintay na episode ng Nuts Entertainment na kinunan pa sa Macau at Hong Kong .

Mapapanood din sa kauna-unahang pagkaka-taon ang personal interview kay Jackie Woo kung saan magpapahayag ang Japanese actor ng saloobin tungkol sa pagbubuntis ni Jennylyn. Ang magi-interview kay Jackie Woo sa Macau ay sina Joey de Leon, Anjo Yllana at Janno Gibbs.

Bale pang-5th anniversary presentation ito ng Nuts. At panauhin din sa show sina Angelika dela Cruz at Paolo Contis.

Source: Taliba