|
|
| Ex ni Piolo, sumipot sa 'Love Me Again' preemAuthor: Vinia Vivar HINDI issue kay Piolo Pascual kung si Dingdong Dantes ang napiling 3rd Sexiest Man in the World ng E! this year. Ayon sa aktor, happy siya para sa Kapuso star. "For me, pride ko na rin 'yon as a Filipino because kababayan natin ang napili as one of the sexiest men. So, I'm happy for him," say ni PJ. Hindi rin naman matatawaran ang kaseksihan ng katawan ngayon ni Piolo, na buong-buo ninyong makikita sa Love Me Again, first movie nila ni Angel Locsin na showing sa Jan. 15. Ang nasabing movie ang isa sa aabangan kay Piolo sa taong 2009. Pagkatapos nito, ipalalabas na rin daw ang first independent film na prinodyus niya, ang Manila. "Sa March na po ipalalabas ang Manila. Napanood ko na 'yung final cut and I must say na masayang-masaya po ako sa proyektong nagawa ko. " Medyo na-delay daw ang showing dahil hinihintay niya munang maipalabas ang Love Me Again nila ni Angel. "Kaya sa March, tuloy na tuloy na po ang showing nito at sana, magustuhan nila," Piolo said. Bukod sa naturang mga pelikula, marami pang aabangan kay Piolo sa taong 2009. Ngayon pa nga lang, puno na ang kanyang kalendaryo sa dami ng nakatakdang gawin. Sa January, uumpisahan na niya ang teleserye nila ni KC Concepcion at aniya, excited na rin daw siya since unang pagtatambal nila ito ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. "And then, I'm also touring with Sam (Milby) sa States, 'yung Heartthrob. May movie rin na kaka-confirm lang sa akin ng concept, so, I'm excited," say pa niya. Samantala, ngayong gabi ang alis ni Piolo patungong USA para makapiling ang anak na si Iñigo ngayong Pasko. Doon na rin siya magpapalipas ng Bagong Taon at darating siya before his birthday on January 12 in time for the premiere night ng Love Me Again. * * * Still on Piolo, kahit hiwalay na sila ng nanay ni Iñigo, maayos na maayos daw ang relasyon nilang dalawa. "I'm friends with his mom. Wala kaming issue, actually, gusto pa nga nila akong sunduin. I'm also friends with the family of his lolo. "Wala akong problema. They even came to my (movie's) premiere. 'Yung mga kapatid ng mom niya, wala akong conflict sa kanila, so, masaya. Super okay kami. " Hindi kaya sila ring dalawa sa bandang huli? "Next question," natatawang sagot na lang ng aktor. * * * Ang platinum-selling diva na si Lani Misalucha ang kakanta ng love theme (Bukas Na Lang Kita Mamahalin) ng primetime series na Tayong Dalawa, starring Kim Chiu, Gerald Anderson at Jake Cuenca. Matatandaang si Lani rin ang kumanta ng theme song ng hit at kontrobersyal na primetime teleserye sa ABS-CBN na Iisa Pa Lamang, na pinagbidahan nina Claudine Barretto, Diether Ocampo at Gabby. "Nu'ng nalaman ko na gagamitin 'yung song for a primetime teleserye ulit, na-excite ako, siyempre!" pahayag ni Lani. Siguradong mas mabibigyan ng buhay at kulay ng awiting Bukas Na lang Kita Mamahalin ang love angle ng Tayong Dalawa. Ang isa pang dapat abangan kay Lani ay ang nilulutong malaking concert niya sa bansa sa 2009. Source: People's Tonight |