|
|
| Fake couples face tough tasks in PBB Double UP![]() Author: Philippine Entertainment Portal Unang dalawang linggo pa lang, hirap na ang mga housemates sa mga task na ipinapagawa ni Kuya sa Pinoy Big Brother Double Up">Pinoy Big Brother Double Up. Kamakailan lang, ni-level up ni Kuya ang challenge para kay Rob na nagpanggap na kasintahan ng TransPinay na si Rica sa House A. Kailangan niyang mag-propose kay Rica ng kasal. Kahit na hiyang-hiya na, tinanggap pa rin ng binata ang panibagong hamon. Very effective pa naman ang kanilang make-believe romance, dahil marami sa kanilang mga housemates ang napaniwala nila sa kanilang sadyang "slip-ups" tulad na lang ng pagsabay nilang pagligo na naging sentro ng chismisan ng mga housemates. Lumevel up din ang task nina Patrick at ng mag-asawang si Jimson at Kath. Kailangan namang i-celebrate ng nagkukunwariang mag-asawa na si Patrick at Kath ang kanilang anniversary, kung saan si Jimson mismo ang magiging waiter sa date nila. Hirap na hirap na ang real life couple na sina Kath at Jimson sa kanilang paghihiwalay. Ang houseband, sabik na sabik nang mayakap ang kanyang asawa. Si Patrick din ay nangungulila sa asawa sa outside world. Marami kasi siyang ginagawang romantic gestures para kay Kath na sana raw ay magawa niya sa kanyang tunay na asawa. Kahapon ay tuluyan nang bumigay si Jimson at inamin na siya ang tunay na asawa ng La Señora. Susuko na nga ba ang mga housemates sa task ni Kuya? 'Yan ang dapat abangan ngayong hapon (October 15) sa Uber kasama si Mariel Rodriguez, pagkatapos ng Banana Split Daily Servings. Source: Philippine Entertainment Portal |