Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Family Feud nasulot ni Goma kay Marvin

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

Aminado si Marvin Agustin na dream niya talaga ang maging isang TV host at ibinulgar niya ang pago-audition niya noon para sa Family Feud na unfortunately ay napunta kay Richard Gomez.

Pero wala namang regrets si Marvin dahil nakita naman niya that Richard proved to be the perfect host for the show.

Anyway, binigyan naman siya ng ibang show ng GMA to host, ang Outrageous & Courageous na mapapanood na simula Feb. 24 bilang kapalit ng Full Force Nature ni Richard Gutierrez sa Bilib Ka Ba Nights ng GMA.

Mapapanood dito ang funny and fantastic feats of bravery, mga amazing dare-devilish stunts, most unusual rituals and festivals mula sa iba't ibang parte ng mundo.

Makakasama ni Marvin dito ang high-class puppet na si Paps.

Ayon kay Marvin ang pinaka-outrageous na ginawa niya sa kanyang buhay ay ang lumipad pa papuntang Singapore para ma-kipag-date lang at bumalik na kaagad sa Pilipinas a few hours later.

Aba, super-galante naman ni Marvin pero ayaw niyang i-reveal kung si Krissa Mae ba ang dinate niya ng isang araw sa Singapore.

Ang inamin lang niya ay magkasama silang dalawa ni Krissa Mae noong nakaraang Pasko at Bagong Taon sa bahay niya mismo.

Si Marvin din pala (at hindi na si Jennylyn Mercado na naging busy na sa Paano Ba Ang Mangarap) ang susunod na ipi-feature sa Obra.

Gagawin na ring isang mini-series ang Obra for eight weeks para lang sa kanya.

Bongga!

* * *

Na-meet na rin namin ang Fearless Four na sina Janna, Marion, Jommy at Manuel na magsasalpukan para sa final week ng Pinoy Fear Factor.

Nu'ng araw ng prescon last Monday ay biglang kumalat na ang magiging grand winner daw ay isang babae na ang ibig sabihin ay si Janna dahil siya na lang ang nag-iisang babaing natitira.

Pero mukhang malabong mangyari 'yun dahil napanood namin 'yung episode nu'ng Lunes ng gabi rin sa PFF at nahirapan na si Janna sa first stunt palang sa final week nila.

Anyway, ang cute tingnan sa personal nina Marion, Janna at Manuel, ang namuong love triangle sa PFF.

Pero ano ka, hindi pala nagkatuluyan sina Janna at Marion pagbalik nila dito sa Pilipinas mula sa Argentina last September.

Ang boyfriend pala ngayon ni Janna ay si Jose, ang guwapong tisoy na participante na mas maagang napauwi dahil nakagat ng ahas.

No wonder, nang main-terbyu namin si Jose last month ay puro bukambibig niya si Janna.

Hindi na kami magtataka sakaling mang maispatan namin si Jose na nanonood ng show ni Janna sa Punchline every other night!

* * *

Proud na proud si Fanny Serrano sa kanyang pet project na "Cosmetologie 2009: Beauty, Wellness & Trends" expo na gaganapin on Feb. 26-28 sa SMX Convention Center.

Makikita rito ang latest products for haircare, nailcare, cosmetics, fasghion, gym equipment, massagers, aromatheraphy at iba pa.

Magkakaroon din ng se-minars mula sa magagaling at sikat na stylists sa industry.

Mismong si Fanny ay magbibigay ng seminar tungkol sa professional make-up techniques.

Kilalang stylist for the stars si Fanny at ilan lang sa kanyang kliyente ay ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion.

Magkakaroon din ng Touch of Excellence Awards bilang tribute sa Filipino Artistry.

Dito na ipaparangal ang mga nagpakita ng gilas sa hair and makeup.

The expo is co-organized by the Phil International Cosmetologists Association (kung saan si Fanny ang tumatayong presidente) and Premier Events Plus Group, Inc.

Source: Taliba