|
|
| Fanny Serrano tweets on Sharon's weightAuthor: Dave Dizon Sa kauna-unahang pagkakataon ay isinapubliko ng isa sa mga pangunahing hairstylist at beauty expert sa Pilipinas na si Fanny Serrano ang kanyang saloobin sa "kalakihan" ni Sharon Cuneta. Ito ay nang tanungin ng movie reporter na si Julie Bonifacio kung makakasama si Sharon sa hair show na gaganapin sa February 26 hanggang 28 sa SMX Convention Center sa Mall of Asia. "Hindi muna. Sabi ko sa kanya, sa bahay na lang siya," pahayag ni Fanny. Ayon kay Serrano, hindi niya inabala si Cuneta na isama sa kanyang hair event kahit na malapit silang magkaibigan ng aktres. Nais ni Fanny na lumiit muna si Mega bago niya isabak sa mga glamorosong pagtitipon na tulad nito. "Marami ang nagsasabi kay Sharon na payat na siya. 'Oy, Sharon payat ka na.' Ako, hindi ko 'yon nakikita. Kaya sinasabihan ko siya na magpapayat," pahayag ng presidente ng Philippine International Cosmetologists Association. "Ako lang ang nakakapagsabi kay Sharon ng totoo sa kanyang size. Kaya nagtatagal ang pagkakaibigan namin. Pero gusto ko talaga siya na payat. Pag sinasabihan ko 'yan, siyempre, sasabihin sa akin, 'tama na.' Hindi ko siya binibigyan ng ilusyon," wika ni Fanny. Matagal nang magkaibigan sina Cuneta at Serrano kaya tapat sila sa isa't isa. Imbes na ang ina, ang anak ng Megastar na si KC Concepcion ang ginawang muse at modelo ni Fanny para sa kanyang organisasyon. Nakibahagi si KC sa grupo ni Serrano, kilala rin sa tawag na TF, nang ilunsad ang asosassyon kamakailan. Si Concepcion din ang nagregalo kay Fanny ng kanyang damit na isinuot sa launch. "Nang magpunta kami sa Hong Kong nina Sharon, 'yong time na nabalita 'yong hiwa-hiwalay nila ni Senator Kiko, magkakasama kami nina KC. Nag-shopping kami. Tapos, tanong nang tanong si KC sa akin kung maganda raw ba ang damit na gano'n o ganyan. Sabi ko, ito, o. Tapos, sabi niya, 'yan, Tita Fanny, sa'yo na 'yan para sa launching ng group n'yo," kuwento ni TF sa Union Square sa Scout Rallos kaninang tanghali. Bukod kay KC, kinuha rin ni Fanny na kasama sa mga gawain ng PICA sina Pops Fernandez na kakanta at gagawing parang concert ang hair show, Judy Ann Santos na maghahayag ng panalo sa bridal hair and make-up contest, Lorna Tolentino na mag-a-announce ng nagwagi sa red carpet hair and make-up portion at Cherie Gil na rarampa sa finale ng show. Source: ABS-CBN News |