Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Fans nagmamakaawang huwag paghiwalayin sina Dingdong at Marian

Author: Mell T. Navarro
Column: Mouthful

MOUTHFUL


NAPUNO na ang aming inbox sa email, kaya nais naming bigyan-daan ang ilan sa ating senders and readers ng Taliba.

Sa kabila ng formal announcement ng GMA7 na si Marian Rivera na ang bagong Darna sa primetime block ng Kapuso Network (after Angel Locsin noong 2005), may fans pa rin si Marian and ka-loveteam na si Dingdong Dantes na umaasang ang actor pa rin ang magiging leading man nito.

Kumbaga, kahit nai-announce na ng Kapuso na 'solo' ni Marian ang Darna, ang fans ng dalawa, lalo na ang DongYan fanatics, ay hopeful pa ring si Dingdong ang magiging leading man nito sa nasabing fantaserye.

Narito ang email ni Joan Dy (mute29@dong-yanatics. org), isang so-lid Marian-Dingdong supporter:

"Dear GMA Network,

"Hello po, I am an avid and solid fan of Dingdong Dantes and Marian Rivera. Thanks po at binigay n'yo kay Marian ang Darna, pero po hindi pa ninyo nasabi kung sino ang kanyang leading man sa Darna?

"Kung bibigyan po ninyo kami ng pag-asa na si Dingdong ang magi-ging leading man niya sa bagong Darna? Sana please ibigay niyo kay Dingdong ang role ng lea-ding man ni Darna, para hindi kami lalong malung-kot kung hindi na sila magkasama.

"Sila lang po ang nag- bigay ng kaligayahan sa aming mga fans. Sila ang aming inspiration sa araw-araw. Sana naman po 'wag po ninyo kaming bibiguin, nagmamakaawa po ka-mi sa inyo na ibigay niyo ang role kay Dingdong na maging leading man ni Marian sa Darna, PLEASE! Masakit po sa loob namin na pinaghiwalay n'yo sila. .. Salamat!

* * *

FROM Katharine Sharfield (dreamsofcoffee@ yahoo. com), isang fan ni Toni Gonzaga, wiz nito feel na si Vhong Navarro muli ang makakasama ng kanilang idol sa nilulutong bagong primetime TV show ng ABS-CBN para sa singer-actress-host.

Feeling ng Toni supporters, sa rami ng Kapamilya actors, wala na bang ibang puwedeng ipartner kay Toni kundi si Vhong na ilang beses na nitong nakasama sa movies? Heto ang email niya in full.

"We just read an article in ABS-CBN that Toni might be doing a teleserye with Vhong Navarro?! Please don't let this be true.

"For Toni to have her first starring primetime teleserye that her fans have been so desperately waiting for, the dream leading man that we have been eagerly anticipating and fantasizing about is going to be. ... . Vhong Navarro?!!! Ugh. If that isn't the most depressing news for Tinsters, I don't know what is.

"We like Vhong, but Toni has worked with him over and over again. Enough is enough. Please pair her with a leading man who is a great/versatile actor, gorgeous, hun-ky, looks good opposite Toni and can give the audience kilig moments with her.

"Someone like Diether or Piolo. If Vhong has to be in it, just make him the best friend or something, not her love interest.

"Seriously, is Vhong the only man you could dream up when you think of Toni Gonzaga? Please. .. if you don't mind, think a little harder.

"Thank you. "

* * *

HUHUSGAHAN na ng publiko ang chemistry ng trio nina Angel Locsin, Diether
Ocampo, at Sam Milby sa pagsisimula ng Only You, ang pinakaba-gong teleserye ng ABS-CBN na magsisimula nga-yong Lunes, April 27 sa primetime bida ng Dos.

Nakatutuwa si Angel makita on the spot cooking sa harap ng press, kasama ang isang chef ng isang Korean dish na ipi-natikim sa mga reporter. 'Yon nga kasi ang role nito sa nasabing Korean-inspired new soap na ang kilig ay sa buhay-pag-ibig ng characters.

True to its promise, alagang-alaga nga ng ABS-CBN ang mabuting taong si Angel, na kung reporter ka at alam naman niya ang name mo, she calls you by your first name at hindi lang basta "Tito" o "Tita"

Sobrang busy man ni Angel, personal din itong nagte-text sa ilang friends from the media para mag-imbita sa new pro-jects niya like Only You na kapalit ng I Love Betty La Fea na more than half a year yata tumagal sa ere dahil sa mataas na ratings nito.

Si Diether, andu'n pa rin ang sweetness nito sa matatagal nang kaibigang press na he always has a ready smile sa unang pagkakita pa lang sa 'yo sa anumang presscon niya. Dapat lang na bigyan ng project ng Dos si Diet, nang hindi na ito mag-isip pang mag-ober-da-bakod sa kabilang network.

Inamin ni Direk Rory Quintos at ng head writer ng Only You na may ilang sangay sa kuwento ang kanilang ginawang very Pinoy, bagama't nandu'n pa rin daw ang pinaka-backbone ng story -- tungkol sa love sa pagitan ng tatlong tao.

If only for Angel and Diet (at kay Sam na rin), sana nga'y tangkilikin ng televiewers ang Only You gabi-gabi sa ABS-CBN.

Source: Taliba