Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Fans, nagwala sa 'OMG' nina Juday at Ogie!

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

HALATANG hindi pa sanay ang management ng TriNoma sa premiere night ng Pinoy movies. Hindi kasi nila na-anticipate na bubuhos ang crowd para masilayan ang mga artista ng Oh, My Girl! nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid.

Maging ang presence ng mga TV cameras ay ikinabahala ng management, pati na ng mga maskuladong security ng events.

Nang magsuguran kasi ang mga TV crews sa upuan ni Juday upang interbyuhin ito, napalayas sila ng mga muscle men!

Agad namang kinausap ni Mother Lily ang namamahala sa sinehan tungkol sa nangyari na nagsabing, “Well, it's your movie, Mother!”

Nangamba marahil ang taga-mall na baka ma-pirate agad ang OMG, huh!

Nabigyan naman ng ilang minuto ang mga ca­meras ng TV talk shows upang mahingan ng pahayag si Juday.

Anyway, medyo nagkagulo naman ang ilang fans, dahil 'yung mga may tickets na hawak, walang tigil ang reklamo dahil ayaw silang papasukin sa sinehan, huh!

Gustuhin man naming tulungan ang mga fans na nagwawala na lumapit sa amin, nag-excuse na lang kami dahil meron din kaming inaasikasong staff ng TV shows at press that night.

Katabi ni Juday ang asawang si Ryan Agoncillo habang nanonood ng movie. Present din si Mylene Dizon na seksing-seksi matapos makapanganak. Siyempre pa, present din si Mommy Carol ni Juday.

Hindi namin namataan si Ogie sa sinehan pero sa dinner ay magkasama silang dumating ni Regine Velasquez.

Pagdating sa movie, lutang na lutang ang husay nina Juday, Ogie, Roderick Paulate sa pagpapatawa. Maaantig ka rin sa touching moments ng pelikula lalo na sa parteng nabuking na ni Juday si Ogie na nagpapanggap.


Ang husay umiyak ni Ogie at feel na feel mo ang sakit sa puso na nadarama niya.

Kuwela rin ang paglabas ni Sharon Cuneta bilang manghuhula.

In fairness, tunay niyang boses ang ginamit sa movie. Hindi nga lang masyadong nabigyan ng impact ang pagpasok ni Regine sa eksena bilang bagong personal assistant ni Juday.

Pero damang-dama naman ang hagod ng boses niya sa background ng theme song ng movie na Walang Iba na siya ang kumanta.

Tungkol kay direk Dante Garcia, next time na lang namin hihimayin ang klase ng pagiging director niya.
***

Hindi umabot sa pagi­ging romantic ang relationship nina Rhian Ramos at Richard Gutierrez kahit na nga second time nilang magsama sa Zorro.

“I don't know pero whatever happens, we're always naman informed about each other. If we can be there for each other, we're always are. Hindi naman kami pumupunta roon sa part na romantic,” pahayag ni Rhian.

Pero kung manliligaw sa kanya si Chard ngayon, sasagutin ba niya?

“Not right away! Ha! Ha! Ha!” natatawang sagot niya.

Aba, boyfriend material naman si Richard, huh!

“Well, boys are boyfriend material! Because they're boys! Sige, in particular, kung sino ang mapupunta kay Chard, suwerte. Kasi in particular, ilabas na natin lahat ng boys sa buong mundo, si Chard lang. Ha! Ha! Ha!

“Sobrang maalaga kasi siya. Sobrang gentleman. Maalalay siya talaga. He's very open talking to you about your problem. He's someone definitely can be a comfort to you. He's someone that will make you feel good about yourself. Isali na natin na guwapo siya! Matangkad. The things that girls like about in boys! But most of all, he has a good heart na a lot of people would like to own! Ha! Ha! Ha!

“It would be nice but it's not true na may relas­yon kaming dalawa! It's not happening! It would be nice kung may mangyari but it's not happening. So okey pa rin! Ha! Ha! Ha!” say na lang ni Rhian.
***

Si Joyce Bernal ang napiling magdidirek ng local version ng Stairway To Heaven na pangungunahan ni Dingdong Dantes.

Pero ayaw pang ibukin­g ng direktora kung sino ang magiging leading lady ng aktor kahit na nga may alam na siya tungkol dito.

Pero ibinalita ni direk Joyce na nagsimula nang magsyuting sina Regine Velasquez at Aga Muhlach ng reunion movie nila.

Medyo nahihirapan nga lang sa misyon niya sa movie na dapat, ma-in love ang tao kina Regine at Aga bago sila ma-in love sa movie.

Source: Abante