Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Fans nasasabik na kay Angel

Fans nasasabik na kay Angel

Author: Leo M. Bukas
Column: Footloose

DALAWANG beses ng na-cancel ang presscon ng ABS-CBN para sa much awaited comeback ni Angel Locsin sa telebisyon with Piolo Pascual para sa soap operang Lobo. Una itong na-schedule last Friday, then na-resched kahapon. Pero nag-text si Lorie ng ABS-CBN Corporate PR informing us na hindi ulit matutuloy ang presscon.

Marami pa raw mga bagay-bagay na inaayos including the schedules of other actors na nasa cast ng Lobo. We are still waiting kung kelan ulit sila magpapatawag para sa presscon.

Dahil sa hindi matuluy-tuloy na presscon ng Lobo, marami tuloy ang lalong nagiging curious kung worth nga ba talaga ang kanilang paghihintay sa muling pagbabalik ni Angel sa telebisyon.

Sa teaser ng Dos for Lobo, mukhang very promising naman ito. Mukhang nakaarte rin dito si Angel compares sa mga past soap operas niya sa GMA-7. But we still need to see the whole program kung consistent siya sa kanyang ginawa.

Marami kaming natatanggap na e-mail asking kung kelan daw ipalalabas ang Lobo. Hindi namin sila masagot kasi wala rin kaming idea.

Bitin na bitin na raw sila kay Angel. Sabik na sabik na raw silang makita ang dalaga sa TV. Obviously, fans ni Angel ang mga nag-i-email sa amin.

Within the week, siguro'y malalaman na namin kung kelan isasalang ng Dos ang Lobo at kung kelan gagawin ang presscon for Angel and Piolo. We'll keep you posted.

* * *

BAGONG taon na kaya bagong Love Spell ang handog ng ABS-CBN sa televiewers sa Linggo, Jan. 13 after ASAP 08.

Magiging episodic na rin ang programa kaya iba't ibang magagandang kuwento ang mapapanood sa Love Spell every Sunday.

Ang pambungad ng Love Spell ngayong January 13 ay ang Love Spell Presents: The Face kasama ang tatlo sa pinakamagagaling at maiinit na young celebrities - ang beauty and brains na si Anne Curtis, ang charming at talented na si Valerie Concepcion at ang matinee idol na si Geoff Eigenmann.

Maliban sa pagiging in demand, sina Anne, Valerie at Geoff ay magagaling din na mga hosts! Si Anne sa lingguhang concert na ASAP 08, si Valerie sa top-rating Wowowee at si Geoff naman ay nag-host sa music channel na MYX. At ito ang una nilang pagkakataon na magsama-sama sa iisang programa sa telebisyon!

Anong mangyayari kung may isang tindahan kung saan puwede kang bumili ng bagong mukha? Si Pearl, na gagampa-nan ni Valerie Concepcion, ay isang magandang college student na mahilig gumimik at obsessed sa kanyang kagandahan.

Sobrang possessive sa boyfriend niyang si Alvin (Geoff Eigenmann) kaya super selosa siya pagdating sa ibang girls. Ang kanyang kaibigan naman na si Rina (Tess Aquino) ay kabaligtaran ni Pearl - walang sariling identity dahil sa kagustuhang maging katulad ni Pearl.

Nang malaman ni Pearl na may isang tindahan na tinatawag na The Face Shop kung saan pwede pumili at bumili ng ibang mukha, hindi nag-alinlangan si Pearl na bumili ng bagong mukha (Anne Curtis) na inaakala niyang magbibigay sa kanya ng kasiyahan.

Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, lalong naging magulo at kum-plikado ang kanyang buhay dahil sa bago niyang mukha. Sa kanyang pagbalik sa The Face Shop, malalaman niya na may nakabili na ng kanyang orihinal na mukha!

Ngayong nagsisisi na si Pearl sa kanyang pagbabagong anyo, makukuha kaya niya ulit ang kanyang iniwang kagandahan at ang kaligayahang inaasam-asam niya?

Alamin ang sagot sa bagong episode ng Love Spell Presents: The Face sa darating na Sunday afternoon sa ABS-CBN.

Source: Taliba