|
|
| Fans ni Marian, galit na galit kay Karylle!Author: Jun Nardo KINUKUNDENA ng mga fans ni Marian Rivera mula sa Amerika, Middle East at Metro Manila si Karylle, matapos nilang mapanood ang pag-iyak ng idolo nila sa TV nu'ng presscon ng Desperadas 2. Galit ang reaksyon nila sa e-mails na aming natanggap na ipinararating din ang todu-todong suporta para sa kanilang idolo. Sa ginawang pagbuhos ng sama ng loob ni Marian kay Karylle, dahil sa buntis isyu, muli niyang pinatunayan ang kanyang pagiging Kabitenya na isang palaban! Ipinakita niya ang pagiging palaban niya nu'ng naging pasaway ang isang lalaki sa taping nila ng Dyesebel at ipinalabas sa YouTube ang pangyayaring 'yon. Naging palaban din siya nang pagbintangan siyang inagaw si Dingdong Dantes kay Karylle nu'ng kasagsagan ng promo ng One True Love. Now, here comes the buntis isyu. Naging matapang siya sa pagsabing na-offend siya sa sagot ni Karylle. Na masama ang loob niya sa ex-girlfriend ni Dingdong. Na, of course, may nagkagustong reporters sa sagot at iyak niya, at meron din namang naartehan o naplastikan. At least, naging vocal si Marian sa feelings niya at hindi na nag-inarte pa, huh! Totoo mang tao o plastic sa iba si Marian, pagdating sa trabaho, nananaig ang pagmamahal niya rito na siyang dahilan kung bakit nananatili pa rin ang pagiging mainit niya sa publiko, huh! Siyanga pala, bukod sa Desperadas 2, kasali rin si Marian sa pelikulang Shake, Rattle & Roll X, sa episode na Nieves. Bonggang-bongga ang gagawing pagsalubong sa Bagong Taon ng Eat Bulaga Dabarkads, sa special show nilang Dabarkads sa December 27 sa Ynares Gym sa Antipolo City. Pangungunahan ng bagong box-office comedians na sina Jose Manalo at Wally Bayola ang palabas, na talaga namang umani ng bagong hukbo ng tagahanga dahil sa tagumpay ng launching film nilang Scaregivers. Paliligayahin tiyak nina Jose at Wally ang mga taga-Antipolo at ibang kalapit bayan lalo na at kasama nila sa show ang kapwa-Dabarkads nilang sina Julia Clarete, Ruby Rodriguez, Sugar Mercado, Sex Bomb Dancers at marami pang iba. Sa mga gustong makabili ng tickets sa Dabarkadas show sa Ynares Gym, puwede kayong makakuha sa SM Ticketnet o tumawag sa 911-5555, o kaya sa Ynares Gym, 697-1239 at 696-1500. Lalantad na ngayong gabi ang kontrobersyal na governor ng Dinagat Islands na si Jade Ecleo. Kasama siya sa concert na Babae...Stronger sa Music Museum. Isa si Gov. Jade sa featured artists sa concert na nagtatampok din kina Shyr Valdez, Glenda Garcia, Jenn Umali at Lovely Rivero. Special guest naman si Rachel Lobancgo na muling ipamamalas ang pagkain niya ng apoy, huh! Seksing-seksi nga ang dating ni Gov. Jade nang makita namin kamakailan. Hindi mo aakalaing siya 'yung naintriga kay Jean Garcia nang maging guest ang aktres sa isang okasyon sa island, huh! Gayunpaman, bukod sa pagiging public servant, matutunghayan ng publiko ang the other side of Gov. Jade sa palabas na Babae...Stronger. Naku, hindi naman siguro manonood si Jean sa concert na `yon. Pinagkatiwalaan si direk Rico Gutierrez ng GMA Films at ni Sen. Bong Revilla sa bagong version ng Ang Panday na gagawin ng senator next year. Kahit na nga co-director sa movie si Mac Alejandre, big break and honor para sa reality show director ng network gang paggawa ng movie. First movie directorial job ni direk Rico ang Ang Panday although nakagawa na siya ng indie film at may mga offers pa siya mula sa Viva Video. Kaya bilang pasimula sa kakayahan niya, gumawa na agad ng teaser si direk Rico ng project at impresibo ang dating nito. Mapapanood ang teaser-plug ng movie sa mga sinehan sa simula ng Metro Manila Filmfest sa Pasko. Nakatakdang mag-shooting sa ibang bansa ang bagong version ng Ang Panday ni Sen. Bong, pero hindi muna namin isusulat kung saan, para hindi mabulilyaso. Ilan sa dinidirek ni direk Rico sa GMA ay ang Showbiz Central, All Star K, at Kap's Amazing Stories. Source: Abante |