Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Fans, umalma sa hiwalayang Dingdong-Marian!

Fans, umalma sa hiwalayang Dingdong-Marian!

Author: Abante

ILANG e-mails mula sa mga Dongyanatics or mga fans ng love team nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang natatanggap namin, na kung saan may petition silang ginagawa para hindi muna maputol ang tandem ng dalawa.

Nakikiusap sila na iparating daw sa GMA-7 management na huwag munang paghiwalayin ang love team nina Dingdong at Marian after ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Mula sa email address na sylvialyn@donyanatics.com, nakalagay sa letter niya ang sumusunod;

“Wish ko po sana hingin ang tulong niyo na iparating sa pamunuan ng GMA-7 na huwag sana paghiwalayin ang love team nina Dong and Marian after matapos ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. In my opinion po, madami pa silang puwedeng gawin sa TV. Sila definitely ang hottest stars ng GMA ngayon kahit pa madaming nagke-claim na iba raw ang number 1 star sa GMA.”

Siguro rin daw ay nagkamali lang ang GMA sa pagbibigay sa kanila ng Tadyang dahil aniya, hindi raw nag-swak ang kuwento sa dalawa kaya hindi ganoon kataas ang nakuhang rating. Ang suggestion niya, ipagawa kina Dingdong at Marian ang Full House dahil 'yun lang daw ang nababagay sa mga ito.

Base naman sa letter ni Kat.md@dongyanatics.org, nag-i-email brigade raw talaga sila para makarating sa pamunuan ng GMA-7 ang petition nila na huwag paghiwalayin ang dalawa. In fact, sina Dingdong at Marian lang daw ang dahilan kung bakit sila nanonood ng TV gabi-gabi.

Kung sakaling next year pa raw ulit pagsasamahin ang dalawa, that would be too long for them daw para maghintay.

Bukod dito ay marami pang e-mails kaming natatanggap na nakikiusap na iparating daw namin sa GMA-7 ang petition nila. 'Yun nga lang, ewan kung after ng 3 soap-opera na pinagsamahan nina Dingdong at Marian ay ipagkakaloob pa rin ng GMA-7 ang hiling nga mga fans this time.

Mukhang tuloy na tuloy na ang planong paghihiwalayin muna sina Dingdong at Marian sa susunod nilang serye. Although, parehong wala pang siguradong makakapareha nila for their next soap, mas malaki raw ang percentage na hindi na muna sila magsama.

Si Marian ay balik pambatang tema naman. Si Dingdong naman ay may naka-line-up na raw, pero, wala pang definite or formal na sinasabi kung ano 'yun.

On the other hand, instead na April 22 ay noong April 20 na nag-last taping day ang Tadyang na kung saan, sa Subic nag-location. Tapos na ang taping ng dalawa pero until first week of May pa raw mapapanood ang soap nila.

Well, puwedeng sabihin na test din siguro with Dingdong and Marian sa closeness and sweetness na meron sila ngayon kung kahit hindi na sila ang next love team sa next series nila ay mananatili ang anumang “relasyon” meron sila ngayon.

'Nga pala, sa Star Awards for Movies na gaganapin sa May, ang love team nina Dingdong at Marian daw ang isa sa nominee para sa Newsmaker of the Year.

Source: Abante