Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Film debut ni KC, tinanggihan ni Eugene

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

HANGGANG July 11 na lang ang Joaquin Bordado at bago magwakas ito, mapapanood muna si Iza Calzado sa role ni Sofia sa mga action scene.

Pinaghandaan nito ang pagsabak sa action scenes sa pag-aaral ng arnis at Muay Thai.

Bukod sa instructor niya sa Ultra, tinutulungan din siya nina Robin Padilla at Val Iglesias.

Kung bongga ang simula ng Joaquin Bordado, bongga rin ang pagtatapos nito't live ang episode na mapapanood.
Magkakaroon din ng farewell sa SOP sa July 6, at susunod ang motorcade ng buong cast papuntang SM Valenzuela.

Twenty-two weeks ding nagkasama sina Iza at Robin, ano ang mami-miss niya sa actor sa pagwawakas ng kanilang serye?

"Ang pagiging maalaga niya at passionate sa trabaho. Ibang klase siya't may anting-anting yata, hindi napapagod. After ng magdamagang taping, didiretso siya sa GMA Network para mag-edit. Sabi ko sa kanya, paglaki ko, gusto kong magaya sa kanya. I hope one day, I can work with him again," wish nito.

Nagbanggit ni Iza ng mga eksenang tumatak sa kanya, kabilang ang hospital scene nila nina Robin at Ian Veneracion, dahil sa roller coaster emotion na kanyang ipinakita.

Isa pa ay ang bathtub scene nila ni Robin na ang ganda-ganda lumabas at 'di halatang 5:30 a. m. 'yun kinunan. Gusto rin niya ang helicopter scene, dahil libre siyang nakasakay ng chopper.

Wala pang next project sa TV si Iza, kaya magagawa niya ang pelikulang Amnesia ng GMA Films na pagsasamahan nila nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Kung may time, aalis siya for a two-week vacation sa Canada at Los Angeles, para pagbalik niya'y refreshed siya para simulan ang shooting ng Desperadas 2.

* * *

THREE-IN-ONE kung mag-promote ng project si Eugene Domingo sa rami ng project niya sa TV at movies.

Hindi lang ang Ako Si Kim Samsoon ng GMA-7 na magpa-pilot bukas ang pino-promote niya, kasama rin ang July 2, showing ng My Monster Mom at ang August 6 showing ng I. T. A. L. Y. o I Trust and Love You.

Sa sobrang kabisihan ni Eugene, hindi na natanggap ang maging yaya ni KC Concepcion sa For the First Time at hindi na rin siya makakapunta sa Greece, kung saan may mga eksenang kukunan ang pelikula.

Para maiba ang mapapanood niya sa sunud-sunod niyang project, iniiba-iba ni Eugene ang ayos ng kanyang buhok at ang acting siyempre.

Love niya ang role niya sa My Monster Mom bilang rich na amiga ni Annabelle Rama at gusto rin nito ang role sa Ako Si Kim Samsoon bilang istriktang chef sa restaurant ni Cyrus Ruiz (Mark Anthony Fernandez).

Sobrang nakakatawa ang eksenang kinain niya ang cake na itinapal ni Kim (Regine Velasquez) kay Cyrus at nahulog sa floor ng resto. Si Eugene lang ang makakagawa noon.

Kuwela rin ang mga eksena niya sa My Monster Mom at 'di kami magugulat kung next year sa Golden Screen Awards, muli siyang manalong Best Supporting Actress, gaya ng napanalunan niya sa 5th Golden Screen Awards para sa Pisay.

* * *

SA presscon ng I. T. A. L. Y. , nabanggit ni Direk Mark Reyes na dadalo siya sa premiere night ng My Monster Mom sa Cinemas 9 at 10 ng SM Megamall mamaya.

Ang tiyuhin niyang si Joey Reyes ang director nito at kaya babantayan ang kanyang pagdating, dahil may conflict sila.

Sa presscon ng My Monster Mom, hiningi namin ang reaction ni Direk Joey sa pagdalo ng pamangkin niya sa premiere night ng kanyang pelikula.

Okey lang ba sa kanya ang presence ni Direk Mark?

"Hindi ko naman pag-aari ang Megamall at malaki ang sinehan. Basta, masaya ako sa kabuuan ng pelikula," sagot nito.

May laman ang sagot ni Direk Joey at ang gandang tutukan ang pagkikita nilang mag-tiyuhin na sa premiere night lang mangyayari't matagal na yata silang 'di nagkikita.

Inalam din namin kay Direk Joey kung totoong may sequel ang pelikula nina Annabelle at Ruffa Gutierrez? Kapag napanood na raw ang pelikula, saka nila paplanuhin kung paano isusunod ang sequel.

Source: People's Tonight