|
|
| Flawless boobs ni Cristine agaw-eksena sa premiere nightAuthor: Joe Cezar LAHAT ay napa-ooohhh sa suot ni Cristine Reyes sa premiere night ng Patient X sa SM Manila Cinema 4. Pinagpipiyestahan talaga ang agaw-eksenang pisngi ng boobs ni Cristine. Flawless na flawless ang malulusog na pisngi ng kanyang boobs na halos lumuwa na ang nipples sa sob-rang luwang sa tagiliran ng suot niyang damit. Panay din ang holding hands nina Richard Gutierrez at Cristine habang kumakaway sa mga nagtiti-liang fans. And speaking of Patient X, mula umpisa hanggang matapos ang pelikula ay nakakatakot talaga. Dagdag pa ang special effects nito na ginastusan ng milyones kaya kikilabutan ka nang husto. Gumanap na doktor si Richard ng mysterious patient na si Cristine, na involved sa murderous rampage ng aswang. Pinatuna-yan din ng dalawa ang husay nila sa pag-arte. Handog ang Patient X ng GMA Films, Viva Films at RGutz Productions ni Chard. Ito ay sa direksyon ni Yam Laranas at showing na bukas sa mahigit 100 theaters nationwide. * * * MAS priority ngayon ni Rachelle Ann Go ang career kaysa sa lovelife. Mistulang na-trauma si Rachelle Ann dahil totoo siyang magmahal sa isang lalaki. Pero sa nangyaring break-up nila ni Gab Valenciano two months ago ay ayaw muna niyang ma-in love. Isang taon na rin sana ang kanilang relationship this November. Nag-iisnaban ang dalawa at ayaw pag-uusapan ang kanilang break-up na ayon sa bulong sa amin ay may third party involved. Gayunman, inimbitahan pa rin ni Rachelle si Gab sa concert nila ni Jed Madela, entitled Two Champions sa Skydome kamakailan lang. Ayon sa aming source na naka-tsikahan namin sa prremiere night ng Patient X, nakausap niya si Gab at hindi ito nanood ng concert dahil baka raw ma-distract si Rachelle sa kanyang performance. Dagdag pa ng source, talagang mahusay na performer si Rac-helle dahil sa isang repertoire niya ay ginaya niya sina Regine Velasquez, Jessa Zaragoza, Lani Misalucha at Jaya. Magkakaroon din ang naturang concert ng provincial tour at series of concerts sa labas ng bansa. Si Rachelle ay under Viva Artists Agency na ngayon at feel niyang magkaroon ng album na siya lahat ang nag-compose. Pahabol pa ng aming source, nais yatang pagsamahin sina Rachelle Ann at Christian Bautista sa isang musical-drama indie film. * * * SASABAK muli sa mundo ng pulitika si Joey Marquez. Ito ang inanunsiyo ni Joey sa Showbiz Central last Sunday nang isalang siya sa mas pinatinding Don't Lie To Me at walang takot na sinagot ang mga maiintrigang tanong sa kanya. Matatandaang nang ma-tapos ang termino niya bilang Parañaque mayor ay tumakbo si Tsong na congressman pero hindi pina-lad. Inamin din niyang siya ang may kasalanan sa break-up nila ni Alicia Mayer. Source: Taliba |