Mar 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

'For us, it's not a mistake, it's a blessing' - Jen & Patrick

'For us, it's not a mistake, it's a blessing' - Jen & Patrick

Author: Cristy Fermin
Column: Showbiz Mismo

Sa kabila ng  namamayaning labanan sa pagitan ng ABS-CBN at GMA-7 ay pinagbigyan pa rin ng interbyu nina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado ang The Buzz.

Pati ang Mommy Bing ni Patrick ay nagbigay ng pahayag sa programa, ang manager ni Jennylyn na si Becky Aguila ay nagbigay rin ng reaksyon pati ang huwes na nilapitan nila para hingan ng payo tungkol sa kanilang pagpapakasal ay nagbigay rin ng ilang pananalita.

Ayon kay Judge Selma Palacio-Alaras, "I told them that marriage is not just all ribbons and roses, it's a lot of responsibility," kaya napag-isipan nina Patrick at Jennylyn na hindi kasal ang sagot sa sitwasyong kinakaharap nila ngayon.

Nagulat naman ang ina ni Patrick dahil hindi ang pagdadalantao ni Jennylyn ang inaasahan nito, ang mamanugangin nito kay Cheska na si Dough ang alam nitong madadagdag sa kanilang pamilya, pero  hindi  naman yun minamasama ng ina ng aktor.

"Actually, yung kina Dough at Cheska ang nilu-look forward ko dahil sila ang nag-aayos para sa kanilang wedding, kaya this one came as a surprise," sabi pa ng ina ni Patrick.

Pero ang maganda sa pangyayaring ito, ni sa guni-guni lang niya ay walang plano si Patrick na talikuran ang nangyari kay Jennylyn, handa siyang panagutan ang ipinagdadalantao ng batang aktres.

Sinabi pa ni Patrick na matatawag na stupidity ang pagpapalaglag, naniniwala siya na laging regalo ng langit ang isang bata, kaya kahit ano ang mangyari ay itutuloy nila ang bata.

"For us, it's not a mistake, it's a blessing. We really have no plans of hiding it, I'm also willing to marry her because she's pregnant.

"But the judge said no, pag-isipan daw muna naming mabuti ang plano naming magpakasal, hindi raw ganun kasimple yun," sabi pa ng aktor.

Tinanggal na sila sa bagong seryeng pagtatambalan sana nila para sa GMA-7, merong mga nagsasabi na sana raw ay hindi na lang muna nila inamin ang totoo para may trabaho pa rin sila ngayon, pero para kay Patrick ay isang malaking kalokohan ang pagtanggi at pagtatago sa isang bata na para sa kanila ay isang regalo at hindi bunga ng kanilang pagmamadali, hindi pag-iingat at pagkakamali.

* * *

Habang naglalabas ng saloobin si Aiai delas Alas tungkol sa nangyari sa kanyang anak sa mga kamay ng kahero ng isang convenience store ay pahapyaw kaming nagtitinginan ni Ruffa Gutierrez.

Tatlo kami ng kasamang Boy Abunda na nag-iinterbyu sa komedyana, damang-dama namin ang pagiging tanging ina ni Aiai sa kanyang pakikipaglaban, katwiran ni Aiai ay siya na lang ang natitirang magulang ng kanyang anak para maipaglaban ito.

Pare-pareho kami nina Aiai at Ruffa ng kalagayan, sapul na sapul kami ni Ruffa sa mga sinasabi ni Aiai, sa amin man mangyari ang ganun ay lalabas din kami para idepensa ang aming anak.

Iniaayos na ngayon ng kanilang mga abogado ang mga kasong isasampa nila laban sa kahero at sa establisimyento kung saan naganap ang pangyayaring ikinukuwento pa lang ni Aiai ay bumibigay na siya.

Menor de edad ang kanyang panganay, malaki ang responsibilidad na kailangang panagutan ng kahero sa nangyari, kahit pa nakagawa ng kasalanan ang anak ni Aiai sa kanilang bisinidad ay wala pa rin itong karapatang ilagay ang batas sa kanyang mga kamay.

Pangako ni Aiai, "Hanggang sa pinakahuli kong sentimo, ipaglalaban ko ang karapatan ng anak ko. Hindi ko ito pababayaang basta  nangyari lang, ako lang ang nag-iisang magtatanggol sa anak ko dahil wala naman siyang tatay na mapagsusumbungan para ipagtanggol siya.

"Naniniwala ako na nasa tama ang anak ko dahil pinalaki ko sila sa kagandahang-asal, may takot sila sa Diyos, hindi ko sila pinalaking sinungaling at lalong hindi ko sila pinalaki para lang magnakaw!" humahagulgol na pahayag ni Aiai sa The Buzz.

Source: The Philippine Star