|
|
| Former sexy hunk Allen Dizon totally leaves sexy scenes for more serious roles![]() Author: William R. Reyes
Maraming magagandang pangyayari sa buhay ng award-winning actor na si Allen Dizon sa nagdaang taong 2008. Kung meron mang pangit na nangyari, halimbawa sa negosyo niya, ay nakahihigit ang magaganda. Sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay nabanggit ni Allen ang ilan sa mga ito. Una, magandang pangyayari ang pagdating ng pangatlo nilang anak ng kanyang wife na si Eric Crystele. Sa wakas ay natupad na rin ang pangarap ni Allen na magkaroon ng anak na lalaki nang ipinanganak si Lucas Allric, now 7 months old. Sinundan ni Allric ang kanyang mga kapatid na babaeng sina Nella Marie, 6 years old, at Felixia Crysten, 3. Ikalawa, magandang pangyayari sa kanyang career ang pagiging busy ni Allen nitong nagdaang taon, kung kailan nagbida siya sa dalawang indie projects: Paupahan ni Joven Tan, at Room 213 ni Keith Sicat; at bilang suporta sa mainstream movies na Ikaw Pa Rin (Bongga Ka, Boy!) with Robin Padilla and Ai-Ai delas Alas, at sa acclaimed Metro Manila Filmfest entry, Mark Meily's Baler, bilang si Lt. Simon Tecson, isang kawal sa panahon ng digmaang Pilipino at Kastila. Sa telebisyon, lumabas si Allen sa action series na Kung Fu Kids, ng ABS-CBN-2. Lately, busy si Allen sa promotion ng sex-oriented indie movie, ang Butas (Loophole), kasama sina Gwen Garci at Marco Morales, sa direksiyon ni Alejandro "Bong" Ramos. Usap-usapan ang maraming eksenang seksuwal ng pelikula; pati ang walang habas na pagpu-frontally nude ng baguhang aktor na si Marco, with Gwen, as his bed/sex (scenes) partner. None of these scenes belong to Allen, though, dahil pinaninindigan na niya ang hindi paghuhubad sa harap ng kamera. "Hindi na kasi tayo bumabata, sa kanila naman 'yon," sabi nga ni Allen nang makausap ng PEP sa unang preview ng Butas (Loophole), sa UP Videotheque. GOOD REVIEWS. Matapos ang preview ay lumabas noong January 9 ang isa sa mga unang reviews sa pelikula, dito sa PEP ("Butas Employs Experimental Narrative Technique" by reviewer-critic, Fidel Antonio Medel) na may pagbanggit na ganito: "Allen is left with nothing to do but peep through the hole, walk aimlessly, and cry during the first act. But he soon redeems himself by showing a range of emotions through effective facial expressions." Sapat na ito upang masiyahan at magpasalamat nang lubos sina Allen Dizon at ang kanyang PR-manager (Dennis Evangelista) na nag-ulat din ng tungkol sa pagkakaroon ng sumunod na SRO at "jampacked" screening ng Butas (Loophole) sa UP-Cine Adarna, kamakailan. "Pila ang paying audience, kahit nagkamali si Marco Morales sa pagpu-promote [sa The Buzz] na 'free admission' ito," sabi ni Dennis. Bukod dito, nagustuhan din daw ng mga nanood na reporters ang akting ni Allen. "Mata lang niya, umaarte na," pag-quote din ni Dennis sa ilang nagpahayag ng papuri sa alagang aktor. Nagkaroon ng ilang pagbabago sa playdate ang Butas (Loophole); una, January 15, naging January 22. Ang pinakahuli, at sure na daw, sa January 28 na ang simula ng pagpapalabas nito sa mga piling sinehan sa Metro Manila, Cebu at Iloilo cities. Rated R-18 ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Butas (Loophole). Hindi ito na-X kahit nabalita ang maraming eksena ng pakikipagtalik kay Gwen Garci at frontal nudities ni Marco Morales. "Nag-self-classification ang mga involved sa production, mahirap na kasi kung hindi mapayagang maipalabas. Na-move ang showing dahil sa date na ito makakakuha ng mas maraming sinehan," ayon pa rin kay Dennis. Sana nga'y hindi na uli magkaroon ng opening re-schedule ang Butas (Loophole). 2009 PROSPECTS. Magandang hakbang nga, para kay Allen, ang napagdesisyunang hindi na pagpapa-sexy sa pelikula. Nagtutuluy-tuloy ngayon ang magagandang breaks for him: nariyan ang Dukot (to be directed by Joel Lamangan; about extra-judicial killings and human rights violations), at ang Marino, na kuwento ng mga seaman at mga pamilyang naiiwan. Posibleng maging leading ladies ni Allen sa upcoming projects, respectively, sina Iza Calzado at Ara Mina. Hindi ba selosa si Eric Crystele? "Depende siguro. But the last time na nagkaroon ng preview ang Butas (Loophole), sa UP-Cine Adarna, kasama pa ni Allen ang wife niya, gumimik pa sila nina Gwen meaning, okey si Gwen kay Eric. Nagkasama na sina Allen at Gwen, sa Room 213, di ba? At may love scene sila do'n," banggit pa ni Dennis. ALLEN'S BUSINESSES. Ang manager-friend ding ito ni Allen Dizon ang nagsabing, at this point, mas matibay na ang foundation ng marriage ng couple, na late last year ay magkasama pang nagbiyaheng-U.S., kaugnay ng Kenny Rogers Roaster franchise, sa SM-Pampanga, na mina-manage ngayon ng aktor (kasosyo ang U.S.-based in-law). Mayroon ding car trading business si Allen, na may tatlong branches; pero ikinalulungkot ng aktor na nagsara ang isa nito, yung shop na nasa Bulacan. Natira yung sa Pampanga (hometown ni Allen) at sa Manila. "Mahirap kasi ang buhay ngayon, apektado tayong lahat ng economic crisis," banggit ni Allen. Hindi lang nito in-elaborate ang isa pang rason ng pagsasara ng car trading shop sa Bulacan. "Niloko kasi siya ng kasosyo niya," pagri-reveal ni Dennis. Lesson learned. But then, pinairal ni Allen Dizon ang pagiging good-natured na hindi magsalita nang masama sa kapwa, ginawan man siya nang hindi tama. "He's still in the car trading business, pero solo na niya; usually, high-end cars. [Located] at Nlex Caltex, although may kasosyo siya rito," malayang pagbanggit pa ng manager-friend ng aktor. FOLLOWING DADDY'S FOOTSTEPS. Si Dennis Evangelista ang "ninong" sa binyag ng isa sa dalawang daughters ni Allen--si Ixia (Felixia Crysten). Ang panganay namang babae, si Nella Marie, ayon pa kay Dennis, ay may potensiyal na maging artista, na lalabas kasama ng actor-dad in a forthcoming movie (hindi pa nga lang puwedeng mabanggit). "Para lang sa pamilya, natutuwa sila na makitang umaarte ang bata, kasama ng daddy niya," sabi pa ni "Tito-Daddy" Dennis (term of endearment daw ng mga bata sa kanya). Sa isang previous interview, nasabi naman ni Allen na, kung siya ang masusunod, ayaw niyang mag-artista ang mga anak niya. "Mahirap kasi, magulo ang showbiz," sabi rin ni Allen. "Pero kung hindi mapipigilan, okey lang, basta magtapos muna sila ng pag-aaral." Paniwala naman ng manager, "Hindi malayong mangyari, dahil nasa dugo na rin ng mga bata ang pagiging artista, nasa genes, kumbaga. At charming si Nella Marie, na mahilig nang umarte-arte at her age." Tulad daw ni Allen Dizon, noong bata pa ito, na nagpapa-pogi at umaarte-arte sa harap ng salamin. Na lingid sa kaalaman niya'y mayroong mga matang nagmamatyag at sumusubaybay (as in a peephole) sa ginagawa niyang pagpapa-cute. Source: Philippine Entertainment Portal |