Mar 19
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Francis M approves Maxene's first on-cam kissing scene

Author: GMANews.TV
Column: Entertainment

Sa pinakabagong telenobela ng GMA Network na "Una Kang Naging Akin," masisilayan sa unang pagkakataon si Maxene Magalona sa pagganap sa matured role kung saan magkakaroon siya ng first on-cam kissing scene sa kanyang leading man. Pumayag kaya rito ang kanyang amang si Francis Magalona?

Sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing hindi lang isa kundi maraming beses na magyuyupian ng mga labi sina Maxene at Wendell Ramos para sa "Una Kang Naging Akin."

At para maiwasan daw na magkaroon ng isyu sa nasabing eksena, mismong si Wendell na ang kumausap kay Master Rapper Francis M upang tiyaking nasa mabuting kamay si Maxene.

"Good friend kasi namin si Kiko," patungkol ni Wendell kay Francis. "Although alam din nya naman yun artista rin siya. So nakausap ko naman siya regarding dun. Sabi ko ako na ang bahala kay Maxene and alam naman ni Kiko na aalagaan ko ang anak nya in terms of acting," kwento ni Wendell.

At dahil first time ni Maxene na gumawa ng kissing scene sa harap ng camera, todo naman ang alalay na ginagawa ni Wendell upang makapaghanda ang aktres nang mabuti sa kanilang eksena.

"Kunwari yun eksena namin na kukunin, yun kissing scene siguro umaga pa lang sinabi ko sa kanya na uy later meron tayong kissing scene, parang ganung ka-casual," dagdag pa ng aktor.

Abala sa projects si Wendell. Bukod sa "Una Kang Naging Akin" at "Bubble Gang," sinimulan na rin niyang mag-shooting para sa film fest horror movie na "Shake, Rattle and Roll 10."

Sinabi ni Wendell na excited siya sa nasabing movie dahil ito ang unang pagkakataon na gaganap siya bilang aswang. - GMANews.TV

Source: GMANews