Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Francis M lalabas na ng ospital

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

AYON kay Maxene Magalona, ang kanyang father na si Francis Magalona, na may sakit na leukemia, ay malapit nang makalabas ng Medical City .

Inaantay na lang nila ang last resulta ng examination at puwede na raw makauwi ng bahay ang rapper.

Ang laki ng pasalamant ni Maxene at ng kanyang pamilya sa respond ng mga tao nang magpahayag sila na kailangan nila ng dugo para sa kanyang ama.

Dumagsa ang donors. Laking pasalamat din ng pamilya kay Rosa Rosal ng Red Cross.

Anyway, pumayag na rin si Maxene na makipag-halikan on screen at puwede na rin daw ang bedscene sa kanya. Nasa tamang edad na raw siya at matatapos na rin siya ng pag-aaral.

Next year ay graduating na siya sa Ateneo de Manila .

Sa bagong soap ni Maxene na Una Kang Naging Akin ay kapartner niya si Wendell Ramos. Ang soap ay unang pinagtamabalan sa movie nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Kasama rin sa teleserye sina Angelika dela Cruz, LJ Reyes at Alfred Vargas.

* * *

MALAPIT nang matapos ang Ako Si Kim Samsoon. Pero may one month pa para abangan ang soap gabi-gabi.

Si Regine Velasquez na bida sa programa ay gusto ulit ng panibagong Korean adaptation soap after Kim Samsoon.

Kung siya ang tatanungin ngayon, gusto niya ang istorya ng Coffee Prince. Kaya nag-iisip pa siya ng babagay sa role ni Prince.

Anyway, nag-click naman ang tambalan nila ni Mark Anthony Fernandez. May chemistry ang dalawa.

This week, abangan ang pag-amin ni Cyrus na in love pa rin siya kay Kim. Aaminin niya ito mismo Nadine Samonte.

* * *

PINAGSASABAY ngayon ni Valerie Concepcion ang career at motherhood. May bagong programa sa TV 5 si Valerie. Books ang title nito na isang TV adaptation ng mga bestseller ng Summit Media na sinulat ng mga babaeng writers at editors.

Kasama ni Valerie ang super guwapo na si TJ Trinidad, Beth Tamayo at Bobby Andrews.

Di naman nalalayo sa tunay niyang buhay ang role na gagampanan ni Valerie sa show. She will play Denise, isang dalagang sobra kung mag-party. Pero dahil sa 'di ina-asahang pangyayari, na-cut short ang masasa-yang araw ni Denise dahil nabuntis siya.

Mapapanood ang Book tuwing Martes, 7 p. m. sa TV5.

* * *

PANAUHIN sa Moms ng QTV-11 kahapon sina Maricar Eigenmann, ang asawa ngayon ni Mark Gil at si Nadia Montenegro, na asawa ngayon ni Boy Asistio.

Ang episode ay pinamagatang "Papa, Amin Ka Na! Host ng programa sina Lani Mercado, Manilyn Reynes at Sherilyn Reyes.

Source: Taliba