Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Francis Magalona reveals his wish for 44th birthday

"The chemo therapy, aside from destroying the cancer cells, they also destroy the others, so medyo yung effect niya, sumasakit yung mga joints. So sabi ko, today, 44 na ako, huwag naman po sanang parang lolo ang pakiramdam ko! Ha ha ha! Masakit ang mga jo

Author: Rose Garcia


Kahapon, October 4, ay nagdiwang ng kanyang ika-44 na kaarawan ang Master Rapper na si Francis "Kiko" Magalona. Bagamat wala ang kanyang physical presence sa Eat Bulaga! ay ipinagdiwang pa rin ng kanyang "Dabarkads" ang kaarawan ni Kiko.

Sa pamamagitan ng isang VTR ay nagpasalamat si Francis sa kanyang mga kasamahan sa Eat Bulaga! sa suportang ibinibigay sa kanya sa pagharap niya sa kanyang karamdaman. Na-diagnose ang rapper-TV host ng sakit na leukemia, o cancer sa dugo o bone marrow.

KIKO'S BLOG ENTRIES. Pagkatapos ay isang special feature din ang ginawa ng Startalk para kay Francis, kung saan ibinahagi nila ang blog entries niya sa Multiply account, francismagalona.multiply.com. Sa naturang blog entries ni Kiko ay inilarawan niya ang pinagdadaanan niya kaugnay ng kanyang karamdaman. May kasama ring mga larawan na kuha sa hospital ang mga naturang blog entries.

Sa blog entry niya noong September 14, 2008 na pinamagatang "Am Back!" ay nagpasalamat si Kiko dahil nakauwi na siya sa kanilang tahanan sa Anitipolo pagkatapos ng 36 days na pagkaka-confine niya sa Medical City.

           

Sa kanyang entry naman noong September 15 na pinamagatang "Chemotherapy-Round One, Fight!" ay ikinuwento niya ang kanyang reaksiyon nang malaman niyang may cancer siya.

"When I learned I had this cancer of the blood, all I blurted to Dra. Ona was 'Shit, I won't reach 50?' The air was so thick, a jackhammer couldn't bore a hole during that pregnant pause of silence," lahad ni Francis.

Inilarawan din niya ang prosesong ginagawa sa chemotherapy. Inamin ni Kiko na nakakatakot ang mga hitsura ng mga gamot na gagamitin sa procedure. Noong araw rin na yun, kinailangang i-extract ang kanyang bone marrow.

Sa dulo ng kanyang blog entry ay nakalagay ang pahayag na ito ni Francis: "A website is to be made to chronicle my journey wherever it may take me, and me and my fam are making it, for whatever purpose it may serve. Hopefully for the good."

         

Sa kanyang sumunod na entry noong September 15 na pinamagatang "Bone Marrow Extraction" ay ipinakita ang ilang larawan ni Kiko habang ginagawa ang naturang procedure sa kanya. Ayon kay Kiko, hindi niya napagtanto na ang sakit na cancer ay hindi tungkol sa kamatayan kundi buhay na dapat ipagdiwang. May post script si Kiko na tila nagsusumigaw sa tuwa dahil nagupo niya ang naturang karamdaman sa Round 1 ng pakikipaglaban.

           

October 1, Wednesday, naman nang muli siyang ma-confine sa Medical City para sa Day 3 ng kanyang ikalawang chemo session.

Kinabukasan, October 2, bagamat nananakit daw ang mga joints ni Francis, inanyayahan niya ang kanyang mga tagahanga na tangkilikin ang kanyang shirt line na Three Stars and A Sun, na matatagpuan sa Broadway Centrum na siya ring tahanan ng Eat Bulaga!

Kagabi, October 4, ay nagtanghal sa isang fundraising show ang kanyang Dabarkads sa Eat Bulaga! at ilan pa sa mga kaibigan ni Kiko sa Zirkoh Timog.

KIKO ON THE PHONE. Sa pamamagitan ng phone-patch interview ay nakausap ng Startalk si Kiko. Binati siya ng dalawang host ng show na sina Lolit Solis at Butch Francisco ng "Happy Birthday." 

Tinanong ni Butch si Kiko kung ilang chemotherapy sessions pa ang kailangan niyang pagdaanan.

           

"Everything will be according to my hematologist, si Dra. Ona. So far, this is my second and based from the vein extraction I did two weeks ago, I'm on to hematological remission. Meaning, my blood is recuperating its own components, so lumalaban na siya. Nagkakaroon na ako ng mga white blood cells at saka platelets.

           

"So now, this second round of chemotherapy, para lang masiguro na lahat ng mga bad cells ay mapatay nitong chemotherapy drugs. So hopefully, mga limang hatsing na lang, nandiyan na ako sa GMA at sa Eat Bulaga," sabi ni Kiko.

           

Ano ba ang kaibahan ng birthday niya ngayon from his past birthdays?

           

"Well, for once, si Ma'am Malou [Choa-Fagar], our nanay namin sa [Eat] Bulaga, palagi akong tinutukso niyan...palagi akong gustong paiyakin. Ngayon, naiyak siya sa message na ibinigay ko. At tuwing nakikita ko ang mga kasama ko, nami-miss ko.

           

"I'm very happy. Thank you to all the rappers who attended. To all the fans, sa audience, lahat ng...everybody who extended their prayers and their wishes. Kung dahil lang diyan, talagang magsu-survive ako kung dahil lang diyan."

           

Nagpasalamat din si Kiko sa mga Dabarkads niya sa Eat Bulaga! dahil Part 2 na ang fundraising show na ginawa nila sa Zirkoh last night.

           

"I'm very thankful sa mga E.B. Dabarkdas. To Mr. Tuviera, to Allan K, of course, sa Zirkoh staff. Thank you, thank you so much. I'm at lost for words. Hindi ko masabi kung bakit ako pinagpala na magkaroon ng isang napakaganda at nagmamahal na pamilya dito sa showbiz."

           

Pero paano nga nagku-cope si Kiko sa kanyang karamdaman?

"Of course, the chemo therapy, aside from destroying the cancer cells, they also destroy the others, so medyo yung effect niya, sumasakit yung mga joints. So sabi ko, today, 44 na ako, huwag naman po sanang parang lolo ang pakiramdam ko! Ha ha ha! Masakit ang mga joints ko. 

           

"Pero so far, if I move around, I can feel it subside. This is like parang side effects. Pero no vomiting, hindi ako sumusuka. Sa awa ng Diyos, may buhok pa ako. At kanina, nandito ang mga anak ko, the children. I'm very blessed to have them and, of course, all those who love me," pahayag niya.

What's his birthday wish?           

"Thank you sa Red Cross, of course, kay Senator Richard Gordon, to everybody, Eat Bulaga...My wish is to really pay back all those who prayed for me. I would like to thank the Medical City staff, doctors, resident and nurses, for really giving me a very good care and treatment and, of course, everybody who have contributed to my well being.

           

"My wish is that, now that I'm 44, I wish that limang hatsing na lang, makabalik na ako riyan," sabi ni Francis.


Source: Philippine Entertainment Portal