|
|
| Friends, family share memories of Daboy![]() Author: ABS-CBNNews.com Celebrities, family members and close friends on Saturday trooped to the Heritage Park in Fort Bonifacio, Taguig City to pay their last respects to a beloved showbiz figure--who else but Rudy Fernandez who was not only a great actor but also a wonderful friend and colleague. Known as a generous, kind, caring and loving person in real life, Fernandez was not just an action star but a real film artist whose legacy includes memorable characters and classics in the Filipino action film genre. Fernandez succumbed aftera two-year battle with periampullary cancer. He is survived by his wife, actress Lorna Tolentino and their children Renz Marion and Raphael. Fernandez also has a son with ex-wife Alma Moreno, actor Mark Anthony Fernandez. Here are some of the fond words about the late actor, as taken from coverage by ABS-CBN's "Entertainment Live". Tirso Cruz III, actor: "I think the last word... maybe when the time comes you better ask Lorna. The last details talaga Lorna was there. And we gave them that time na, so they could talk to each other what they wanted to finalize. Maybe later on. Kami kasi yung mga friends we were just there, we just want to assure him na if there anything we could do in spirit we will pull it for him, all the way. "My wife and I accompanied si Bing kaibigan ni Lorna. We did the occular about three weeks ago. It was one task that really burdened me, very heavy on my heart. I knew that my friend is still there fighting. It was ironic that we were looking for a p[lace for him to be at peace. But things like this happen in life."
"Kagabi, alam mo nagparamdam siya. Gabi na magmamadaling araw, naguusap kami ni Melissa, wife ni Mark. First time na matulog siya sa bahay. Pinag-uusapan namin si Rudy. Nung matutulog na ko, hindi ako makatulog. "Umabot ako ng 6, magse-seven na (7 a.m.). Nakasilent ang fone ko, pagkagising ko mga 8-9, tiningnan ko ang fone ko nakalagay na doon puro condolence. ' Totoo ba, Konsehal?' Puro ganoon. E di kinabahan na ako. Tinawagan ko si Mark. "Sabi ni Mark, 'Ma, wala na si Papa. Natigilan ako, hindi ko alam ang sasabihin ko sa anak ko. Anak ko nagpipigil. Ang feeling ko ito na ang kinakatakutan ko, na sana kaya ni Mark. E mukhang hindi kaya ng anak ko. "Sabi ko lang , 'Mark, iiyak mo iyan'. Pero actually, ako na yung naiiyak. Pero pinipigil ko. Siya ang inaanuhan ko ng 'kaya mo yan.' Sabi niya, 'Ma, okay lang ako. Kaya ko ito.' after noon saka na ko umiyak. Tumuloy na ako dito. Tinanong ko pa, si Tita Lorna mo kumusta? 'Ma, strong si Tita Lorna.' [Sabi ko] 'Mark, wag mong pabayaan si Tita Lorna." "[Gusto ni Mark] mag-isa lang siya tulad ng pag-iyak niya kanina. Madaming camera nandoon siya sa tabi ko, 'o ayan iiyak mo', nakiusap ako na walang camera. Gusto niyang mag-isa siya. Kanina noong gusto siyang interviewhin nakiusap siyang wag muna. yung ganun. "Kaya humingi ako ng tulong kay Ipe (actor Philip Salvador), kay Manay Lolit. Sabi nila Ipe, nila Jinggoy, 'wag mag-alala, kami na ang tatay ni Mark, simula't sapul.' "Si Lorna maiintidihan natin na talagang wala pa sa ano. Yes, nagkasama kami kanina noong mine-make-up-an si Daboy. Pumasok din ako sa loob. Si Lorna nag-akapan lang kami. Tinanong ko kung, 'Okay ka ba? Matulog ka muna kahit kaunti'. Sinabi niya naka-idlip lang daw siya. ang lakas [ni Lorna] pero nagbreakdown na pala siya. "Ako, honest, namimiss ko kay Daboy? Mag-asar. Kasi pag kausap ko yun masaya yun eh. Mang-iinis, kasi ang gusto noon masaya, nakatawa. Ayaw noon ng iyak. Ayaw noon ng ng problema. Saka pag si Mark pinag-uusapan namin, wala lang. Kung si Mark okay na, natutuwa siya. "Si Daboy yung taong masarap na kaibigan, laging siya yung nagbibigay ng... tapos biglang siya yung nawala. Parang ako yung best friend nga kung tawagin ko eh. Kung may problema ako, tawag siya agad. Di mo na siya kailangang tawagan, may kusa. "Oo, hindi lang araw-araw. Nag-uusap kami, matagal kumustahan. Pag nagkita kami nun, nag-iinis yun tsaka laging pinagagalitan ako nun. Yun ang namimiss ko doon. At mamimiss ko yung ano niya sa anak ko, yoon na parang feeling ko na ngayon, wala nang naka-alalay sa anak ko. "Si lorna, makikita mo siyang malakas siya. Pero alam kong parang bibigay iyan. Siguro bibigay yan yung pinakahuli na. "Wala ang sinabi lang niya sa akin noong pumunta ako sa ospital, sinabi ko na 'kamusta ka na?'. Sabi niya 'hirap na hirap na ko sa sobrang sakit.' Sinabi niya na 'Sori kung naiidlip ako.' Kasi bigla siyang nakakatulog nang hindi niya alam, ganun lang. Hangga't maari pinipili ko ang sasabihin ko. Kumbaga ayaw niya nang iiyakan mo siya. Gusto niya masaya. [Moreno is asked whether they talked about his illness] 'Ano may sakit ka?' sabi niya, 'hindi ano lang yan, lagnat lang. Saka hindi pa ko mamamatay.' Yung bago pumunta sa States, Ang sabi niya sa akin ang taba-taba ko na raw (laughs)... Alam niyang may sakit siya. Never naming pinag-usapan na may cancer siya." Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr., lawmaker, actor, friend: "Alam mo si Daboy is really talagang ibang klaseng kaibigan. He's really a good man. Wala kang maiipipintas sa kanya. Napakabuting kaibigan. Anytime na kailangan mo siya, he'll be there for you. Actually siya yung peacemaker ng grupo namin. "Siya ang nagpabati sa amin ni Jinggoy. Kaya pagkaalam niyang may problema, tumatawag agad siya. Every morning, naka-text na iyan. Nakatawag na iyan. Gusto niya talaga na pag ibuburol siya, sa isang lugar na siya lang para makita siya ng mga taga-hanga niya. So kaya itong chapel na ito itong buo na ito, para lang kay Daboy." Philip Salvador, actor, friend: "Di ba lahat tayo, lahat tayo gusto mabuhay. Pero alam nyo po, maaraming nagmamahal sa kanya, sa family niya, sa mga kaibigan niya. Alam nyo naman si Daboy, best friend ng lahat iyan. Daboy is one in a million. Mahirap makahanap ng kapalit niyan. "Actually nag-decide siya noong anniversary nila ni LT (Lorna), June 1. Umuwi siya, June 1 nasa bahay na siya. Granted ang gusto niyang mangyari na, lumalaban siya hanggang sa huli. [Salvador is asked whether Fernandez expressed any final requests] "Wala naman, ano lang niya, kino-complain niya yung pain niya. Sinasabi niya, nahihirapan siya. The last words I told him this morning, 'Best friend don't worry, Jesus is with you.' after that sumagot siya sa akin (umuungol). Pag nakilala ka, tumatango siya, guma-ganoon na siya. "Hirap siyang magsalita, syempre cancer. Nag-spread na hanggang pati tongue. Well, andoon na siya sa Kingdom ni Lord, so let's be happy for him. "Gusto po namin magpasalamat sa lahat po ng nagdasal para kay Rudy Fernandez at kanyang pamilya. Salamat po. "Maski doon sa mga hindi nakakakilala sa kanya, sa pagkatao niya, sa binigay nyong compassion na ipinakita nyo. Maraming salamat po. You will be blessed." Source: ABS-CBN News |