Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Friends, media people welcome sa second wedding reception nina Judy Ann, Ryan

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

AS promised, lahat ng mga kaibigan sa showbiz ng newlyweds na sina Ju-dy Ann Santos at Ryan Agoncillo ay invited sa kanilang pangalawang wedding reception bukas (Sat) sa Le Soufle, Rockwell.

Open din ito this time sa lahat ng media kaya hindi puwedeng akusa-han ang mga bagong ka-sal na ipinagdadamot nila ang pinakamahalagang okasyon sa kanilang buhay.

Dumalo kaya ang kumare ni Juday na si Jolina Magdangal na dapat sana ay ikakasal na rin bago nangyari ang surprise break-up nito kay Bebong Osorio?

Inimbita rin ba ng bagong mag-asawa si Piolo Pascual na nagpahayag nang pupunta sakaling maimbitahan siya?

Anyway, we only wish all the best for the newlyweds.

They deserve all the happiness in the world. Their relationship has tested the test of time at napatuna-yan nila that they really belonged to each other.

Ang tanong ngayon ay sino naman among our famous showbiz couples ang susunod sa kanila to tie the knot?

Will it be Angel Locsin and Luis Manzano? Or Dingdong Dantes and Marian Rivera? Mukhang matataga-lan pa, kasi busy pa sa pagpapayaman ang ating mga artista ngayon.

Marriage is the least of their priorities right now habang alipin muna sila ng kani-kanilang careers.

Siguro, hinihintay nila na mag-trenta muna sila tulad ni Juday bago mag-asawa. After all, karamihan sa kanila ay hindi pa naman kasing stable ni Juday financially.

* * *

NAGSIMULA pala si Christine Love sa Viva Records.

Siya ang kumanta no-on ng theme song ng pelikula (o teleserye) nina Angelu de Leon at Bobby Andrews na Ikaw Na Sana. Kaso, she decided to go to Australia to study kaya nadiskaril ang kanyang singing career here.

But now that she's in the Philippines, Vic del Rosario of Viva also wants her back, kaya nga ang pangalawang album niya ay ilalabas na sa Viva Records. May isyu nga ngayon na kung nanatili sana siya sa sariling bansa noon ay malamang na nauna pa siyang sumikat kay Sarah Geronimo.

But Christine Love has no regrets. In fact, si-kat na sikat ang kanyang current single ngayon na Isang Halik Mo Lang na isinulat mismo ng mommy niya, ang sikat na composer na si Cecille R. Mar-caida na ka-batch ni Freddie Aguilar noon sa first Metro Pop Song Festival. Now, she's preparing for her second major concert titled A New Love na gagawin sa Music Museum on May 15, 8:30 p. m. kung saan special guests niya sina Immigration Commissioner Nonoy Libanan at and Pop Icon na si Mark Bautista.

Nakatakdang umawit si Christine ng timeless songs at ilang broadway at movie theme songs. Malamang na kumanta rin si Christine ng ilang hits noon ni Sharon Cu-neta dahil aminado naman siyang kanyang idol si Mega from way back.

Major sponsors ng concert niya ang PCSO at Pagcor. For tickets, you may call ticketworld at 891-9999 or Music Museum 721-6726.

Source: Taliba