Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

GALIT

Author: Nitz Miralles

Kaabang-abang na naman ang interview kay Katrina Halili sa Startalk bukas dahil sa mga ipinahayag nito, mukhang galit siya kay Dr. Hayden Kho.

Nabastusan ang dalaga sa inamin ni Dr. Hayden sa interview na for fun at walang emotion ang short-lived relationship nilang dalawa na naging daan nang paghihiwalay nito at ni Dra. Vicki Belo.

Sa interview kay Katrina na lumabas sa 24 Oras at Saksi, sinabi nitong lahat ng relasyon niya'y seryoso at 'di siya nakikipaglukuhan. Wala na raw siyang magagawa kung nakipaglukuhan lang si Dr. Hayden sa kanya.

Sa January 5, pa ang balik nina Katrina at boyfriend niyang si Kris Lawrence from California kung saan sila nag-spent ng New Year at du'n na rin magbi-birthday ang actress sa January 4.

Sa kanyang pag-balik, ang isyu sa kanila ni Dr. Hayden pa rin ang sasalubong sa kanya.

Ito'y kahit may bago siyang love interest sa Gagambino, sa katauhan ni Bernard Palanca at makaka-love triangle nila ni Dennis Trillo.

* * *

Birthday ni Jake Cuenca noong December 30, 2008 at sa CRIBS Home ng mga abando-nadong mga bata siya nag-celebrate ng kanyang 21st birthday.

Kasama ang kapatid, sister in law at pamangkin, nagpakain siya, namigay ng regalo at nag-donate rin ng pera.

Pasasalamat daw niya ito sa maraming blessings na dumating sa kanya last year at sa papasok na taon at para ipakita na ring responsible na siya.

"I'm a man now," pagmamalaki ni Jake na tuwang-tuwa na nakapagbigay siya ng kasiyahan sa mga bata roon.

Magaan na rin ang dibdib ni Jake ngayon dahil may closure na ang controversial relationship nila ni Roxanne Guinoo. Nagkita't nagkausap ang dalawa sa taping ng Maalaala Mo Kaya na kundi kami nagkakamali'y, ipalalabas bukas at opening salvo ng drama anthology. Nagkailangan sila noong una, pero habang tumatagal ang taping, naging komportable ang dalawa hanggang mag-usap na nga ang nagkahingahan ng sama ng loob.

Matatanong pa namin si Jake sa magandang nangyari sa kanila ni Roxanne sa presscon ng Tayong Dalawa na incidentally, isa sa biggest project ng aktor sa ABS-CBN.

Ginagampanan niya rito ang role ng isang PMAyer at Navy Seal. Nag-training siya sa paghawak ng baril, naglaro ng soccer para maging fit.

"It feels really good to be working on a primetime teleserye again. This project is different from the projects I've done before. I try to love with the character," sabi ni Jake.

Bida rin sa Tayong Dalawa sina Gerald Anderon, Kim Chiu at Alessandra de Rossi at kasama rin sina Cherry Pie Picache, Mylene Dizon, Agot Isidro, Helen Gamboa, Spanky Manikan at Gina Pareño. Malapit na itong umere sa Channel 2.

* * *

Sa Luna Mystika, magkikita sina Celestina (Heart Evangelista) at Kamilo (Mark Herras). Mapag-uusapan ang solar eclipse at prutas ng Limer. Parurusahan ni Alguwas (Hero Angeles) si Kamilo at gagawin niya itong part puno.

Masayang magdi-date sina Luna (Heart) at Dexter (Mark Anthony Fernandez), samantalang makakawala naman sa kakahuyan si Diana (Rita Avila) at magkaka-amnesia. Solar eclipse na at ganap ng tao si Celestina at magkakaharap na sila ni Luna.

* * *
Sa Gagambino, malalaman ni Bino (Dennis Trillo) kay Gelay (Jennica Garcia) na si Lucy (Katrina Halili) ang nakita niyang ginagamot ni doc Martin (Bernard Palanca). Malalaman ni Lucy na fan niya ang doctor.

Ayaw ni Dindo (Raymart Santiago) na saktan ng Liga Insekta si Abresia (Jean Garcia) na susugod na sa kuta ni Abresia dahil itinuro ni Leah (Glaiza de Castro). Maglalaban sina Leah at Berna (Isabel Oli) at sasaksakin ni Abresia si Dindo.

Source: People's Tonight