|
|
| GF ni Diether, 'di apektado kay KristineAuthor: Vinia Vivar Kaarawan ni Diether Ocampo ngayong araw na ito, July 19, at kahapon ay nagkaroon siya at ang kanyang KIDS Foundation sa Mexico Pampanga, ng pagka-kataon para pasayahin ang may 1,500 na bata sa pamamagitan ng pamimigay ng regalo at pagpapapakain. Kasama ang ilang entertainment press ay dumayo sa naturang lugar si Diet para naman mag-share ng kanyang blessings para sa mga kapus-palad na taun-taon niyang ginagawa sa tuwing sumasapit ang kanyang kaarawan. Tulad ng Cavite, malapit din sa puso niya ang Pampanga dahil tagarito raw ang kanyang ina kaya sa lugar na ito niya naisip mamahagi this time. Habang nagkakasiyahan ang mga bata ay nakausap namin si Diet na in fairness ay parang hindi nagkasakit. Muli ay klinaro niyang okay na okay ang kanyang kalusugan, taliwas sa mga naglabasang may heart problems siya. Aniya ay sobrang pagod lang daw talaga ang nangyari sa kanya sa US Star Magic Tour dahil talaga raw sunud-sunod ang trabaho niya nang mga panahong iyon. Actually, ayon kay Diet, hanggang ngayon ay halos wala siya talagang pahinga sa rami ng kanyang ginagawa. Bukod sa kanyang showbiz career ay hands-on din kasi siya sa KIDS Foundation and he makes sure na talagang maayos ang mga proyekto nila. "Pero walang dapat ipag-alala ang mga nag-aalala sa atin sa health ko dahil sabi nga ng doktor na tumingin sa akin, malakas pa ako sa kalabaw," say pa ni Diet. * * * Kasama ni Diet sa nasabing outreach program ang girlfriend na si Rema Ostwani na in fairness ay napaka-accommodating sa press. Unlike other non-showbiz girls na girlfriend ng mga artista na mailap sa mga reporters, si Rema ay talagang napaka-warm at lahat ng katangungan sa kanya ay sinasagot. Ayon kay Rema, sobrang pag-aalala rin ang naramdaman niya nang mabalitaan niya na nag-collapse si Diet sa States. "'Yung handler niya, tinawagan ako and sinabing nasa hospital si Diet. Nang marinig ko 'yun, sobrang sumikip ang dibdib ko talaga, kasi ang layo niya sa akin, eh, hindi ko siya makita, hindi ko siya makausap. Gusto ko ngang lumipad papunta doon, kung ganu'n nga lang sana kadali," pagkukuwento ni Rema. Wala raw siyang ginawa noon kungdi maghintay ng latest development at hanggang hindi nagigising ang boyfriend ay hindi raw siya mapakali. Saka pa lang daw medyo nawala ang pag-aalala niya nang magising na si Diet at nagkausap na sila. "But 'yung time that I was really relieved was when I saw him arrived at the airport. As in 'yun lang 'yung time na parang okay, I will be at peace now," sabi pa ni Rema. Naitanong namin sa kanya kung ano ang reaksyon niya sa balitang isa si Kristine Hermosa sa nagsugod kay Diet sa hospital sa US . "More than anything po, I was really worried about Diether, so wala po sa akin 'yun, alam ko naman concerned din siya kay Diet," sambit niya. Ano rin ang masasabi niya na ang pakilala ni Kristine sa mga doctor doon ay ex-wife ni Diet? "Well, sabagay, ex-wife po naman siya talaga," nakangiting sabi ni Rema. Wala raw pagseselos sa kanya dahil sure naman daw sila ni Diet tungkol sa relasyon nila at una sa lahat ay ang safety raw ng boyfriend ang inaalala niya that time. * * * Sa pagpapatuloy ng Your Song Presents Gaano Kita Kamahal this Sunday, magagalit si Carmela (Jodi Sta. Maria) dahil malalaman niya na nawawala si Josh, ang kanyang anak. Ngunit mas ikagugulat ni Carmela nang ihatid ni Amy (Maricar Reyes) ang bata sa kanilang tirahan. Dahil dito, maghihinala si Carmela at makikipaghiwalay ito kay Obet (Sid Lucero). Ang hiwalayan nila ang mag-uudyok kay Obet na yayain si Amy na mag-live-in. Source: People's Tonight |