|
|
| GMA Films may big announcement din tungkol kina Richard at KCAuthor: Dinno Erece TOMORROW ang announcement naman ng side ng GMA Films. Today lahat ang dating ng tatlong pinakaimportanteng components ng special announcement na gagawin tomorrow -- si Richard Gu-tierrez from Dubai, KC Concepcion from France and An-nette Gozon-Abrogar, president of GMA Films, also from Europe if we're not mista-ken. Bukas, magkikita-kita ang tatlo para sa announcement ng GMA Films about the Richard-KC team up af-ter ABS-CBN announced theirs two weeks ago. This is the compromise deal kung bakit napapayag si Richard, isang exclusive GMA Films talent, na pumirma ng one picture deal with Star Cinema. This time nga, ang film arm naman ng Kapuso network ang magbibigay ng kanilang announcement, and this completes the series of special announcement na una naming isinulat dito na walang ka-clue-clue para ma-surpresa ang lahat. Basta it has something to do with Valentine 2009 and will keep you posted. * * * PAREHONG panalo ang dalawang weekend concerts na Rubirubi@Boyz. Com II and Greatest Hits of the 80's. We watched both concerts. Friday ang sa talents ng DMV Entertainment sa Met-ro Bar at Saturday naman ang talents ng Viva Concerts and Events. Ang masasabi namin, parehong napuno ang venues nila ng walang kadaya-daya o padding man lang or even pamigay na tickets. Sa Rubirubi@Boyz. Com nga, mismong ang manager na ng Metro Bar ang nagsa-bing halos lahat, paid tickets at napakaraming walk ins. Same goes sa Greatest Hits of 80's na kung may mangilan-ngilan mang empty seats, obvious na hindi lang nakarating ang ang bumili kasi may mga nakatayo na lang sa may likod, walk ins din. The best thing was that we enjoyed both shows. Si Rubirubi, as usual, is a stand-out sa concert nila with Boyz. Com at ang apat na singers na sina Raymond Lauchengco, Louie Heredia, Gino Padilla and Randy Santiago, walang itulak-kabigin sa kanila. We bet, may mga kasunod pa ito. * * * KAKAIBA na naman ang ipi-napakitang lakas ng back-to-back na Sine Novela. Patuloy na gu-magawa ng bagong records ang pina-kabagong entry ng Drama Rama sa Hapon na Magdusa Ka, ang first bida role ni Katrina Halili with Dennis Trillo. Highest ang pilot for a a Sine Novela na nakakuha ng 24. 3% and for its first four days. Isang beses lang ito bu-maba under 24% and this has never been done by any Sine Novela before it, ang mag-over 20s sa rating ang pilot week. On its own, gumagawa rin ng record ang kasunod ni-tong Kaputol ng Isang Awit starring Glaiza de Castro and Lovi Poe. Now on its 11th week, last four weeks na lang ito sa ere kung kaya't ganoon na lang kataas ang level ng storytelling and therefore equating to high ratings din. Tuwang-tuwa ang buong cast when they finally reached a new high record last Thursday with its 25. 1 % ratings. Isa kaya sa dalawang Sine Novela ang magiging kauna-unahang afternoon soap to reach the 30s? Abangan. * * * BUKAS na rin ang pinakahihintay na halikan nina Yasmien Kurdi and JC de Vera sa Babangon Ako't Dudurugin Kita. Last four weeks na rin ang first primetime soap ni-na Yasmien and JC as it is starting week nine tonight sa GMA Telebabad after Dye-sebel. Sadly, walang extension na magaganap as magtatapos ang Joel Lamangan directed soap by week thirteen. Pero kita n'yo naman, lumalaban na rin ang BADK against its two-sister soaps sa Telebabad, Marian Rive-ra's Dyesebel and Robin Padilla's Joaquin Bordado. At kung nagsimulang tumaas ang BADK nang nag-kita ang characters nina Yas-mien and JC na sina Salve and Derek, isa na lang ang hinihintay ng mga fans nila, ang magkahalikan sila finally. Bukas na ito mangyayari. So ratings watch na naman ito sa Wednesday kung hang- gang saan aabot ang BADK sa first primetime kiss ng dalawang bida sa serye. Sumama na kaya ito sa 40s level ng Dyesebel? Source: Taliba |