Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

GMA, talo ng ABS sa fundraising!

Author: Jun Nardo

TALO ang GMA Network sa ABS CBN kung paramihan ng cash donation ang pag-uusapan sa fundraising na sabay nilang isinagawa para sa biktima ni Ondoy!

Hanggang sa ibang bansa kasi, merong nagbibi­gay ng donasyon hindi gaya sa GMA na karamihan ay local donors lang ang pinasasalamatan.

Malakas ding mangantiyaw si Kris sa mga kaibigan at sponsors, kaya milya-milya ang nakukuha niyang donors!

Pagdating nga lang sa presentasyon ng biktima ni Ondoy, mas lamang ang GMA gaya ng The Reporter's Notebook versus The Correspondents last Tuesday. Mas de­talyado ang TRN kesa TC na talk nang talk si Karen Davila kesa magpalabas ng makabagbag-damdaming videos.

Eh, si Jiggy Manicad, personal at may puso ang dating ng pagri-report niya! Nagawa pa niyang tumulong sa babaing manganganak na hawak-hawak niya ang dextrose, huh!

Tapos, 'yung isang part ng ginawa ni Karen sa TC, aba, ni-replay sa TV Patrol last Wednesday! Ano 'toh? Kapos sa ire-report? Huwag ganoon, no?

Source: Abante