|
|
| GMA-7 may bagong offer kina Heart, JCAuthor: Nitz Miralles Hindi mahihirapan ang The Buzz at Showbiz Central sa paghahanap ng showbiz news dahil sunud-sunod ang isyu ngayon. Hindi pa man naaayos ang problema ni Annabelle Rama sa GMA-7 dahil kay JC de Vera, humabol ang isyu ni Heart Evangelista sa kontrata nito sa Channel 7. Nagpalitan ng sulat ang dalawang kampo at wala pang balita kung nag-usap na ang mga involved na tao para lutasin ang problema. After tanggihan ang Obra (ni JC) at 'di tanggapin ang Muling Buksan Ang Puso (ni Heart), may bagong offer ang Channel 7 at sina JC at Heart ang mga bida. Ito ang TV remake ng Ngayon at Kailanman na ang pelikula'y ginawa nina Sharon Cuneta. Sa SineNovela ito ipapasok at abangan natin kung tatanggapin ni Annabelle para sa kanyang talents. * * * Isa sa ipinagmamalaking talents ng GMA Artist Center ay ang La Diva na binubuo nina Aicelle Santos, Jonalyn Viray at Maricris Garcia. Inaabangan lagi ang number nila sa S. O. P. at marami silang fans sa subscribers ng GMA Pinoy V, kaya may show sila sa Virgil Auditorium sa Los Angeles sometime in April. Walang balak mag-solo sinuman sa tatlo dahil mas masaya silang nagpi-perform na trio at hindi rin uso sa kanila ang inggitan. Sa halip, nagtutulungan at nag-susuportahan sila. Ang GMA-7 at staff ng S. O. P. ang nagka-ideya na gawin silang trio at sila rin ang nagbigay ng pangalang La Diva. * * * Gaganapin sa February 26-28 sa SMX Convention Center ang Cosmetologie 2009: Beauty, Wellness and Trends, considered the biggest trade show of its kind in the country. Ang PICA o Philippine International Cosmetologists Association at Premier Events Plus Group, Inc. ang nasa likod ng expo at co-located sa expo ang World of Beauty, Fashion Fair & Runway Show, and Health & Wellness Expo. Makikilala ng participants ang the best stylists at trainers sa beauty industry. Industry icon Fanny Serrano will talk about professional make-up at si Cherry Reyes ng Toni & Guy will talk about the latest hair coloring, cuts and styles. Mag-uuwi ng P50,000 ang mananalo sa bawat category. Adviser ng PICA si Sen. Kiko Pangilinan, muse si KC Concepcion at big supporter si Sharon Cuneta. Ayaw haluan ng intriga ni Fanny ang event na malaki ang maitutulong lalo na sa maliliit na tao sa beauty industry, kaya hindi na pinalaki ang isyu sa kanila ni Evelyn Alvaran-Cruz. * * * Part six na ng Bulong ng Puso episode ng Dear Friend ang mapapanood this Sunday afternoon at hosts sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal. Desidido na sanang makipag-break si Toni (Jennica Garcia) kay Patrick (Dion Ignacio), pero dahil kailangan siya ng nobyo, hindi niya magawang iwanan ito. Habang inaalagaan niya ang BF, makikita ni Toni na napapalapit si Mateo (Mart Escudero) kay Amira (Rich Asuncion) at ayaw man aminin, nagseselos siya. Lito si Toni sa feelings niya kay Mateo, pero ang binata, siguradong mahal niya ang dalaga. Mahaharap si Toni sa sitwasyong hinarap ni Amor dati, sino kina Patrick at Mateo ang kanyang pipiliin? * * * Masaya ang audition ng Season 2 ng Survivor Philippines dahil sasama si JC Tiuseco, ang 1st winner, at ilang castaway ng reality show. Kailangan lang maging careful ang staff dahil may lumabas na spoiler sa Internet na sa Queensland, Australia gagawin ang challenges, gayung magsisimula pa lang ang audition. Sa CSI Mall Dagupan City ang start ng audition sa February 26-27, next sa SM City Baguio sa March 3-4 at LCC Mall Naga sa Mar. 9-10. Sa Visayas at Mindanao, unang dadayuhin ang SM Iloilo, Mar. 12-13; SM Cebu, Mar. 15-16; SM Davao, Mar. 18-19. Ang Luzon audition ay magsisimula sa SM Lipa Batangas, Mar. 23-24; SM North Edsa, Mar. 27-28; at SM Mall of Asia, Mar. 29-30. Source: People's Tonight |