Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

GMA-7 naghahanap ng partner ni Richard

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

Almost six days lang sa Coron, Palawan, sina KC Concepcion at Richard Gutierrez para sa shooting ng When I Met U, ang Valentine's Day offering ng Regal at GMA Films.

Umalis sila noong January 11 at kundi magbabago ang schedule, ngayong tanghali ang balik nila at bukas, may shooting uli sila rito.

Sa Jan. 18, pupunta sa Cebu sina KC at Richard para dumalo sa Sinulog, balikan ang dalawa dahil kinabukasan, hanggang Jan. 24, tuluy-tuloy ang kanilang shooting.

Sa Jan. 24 na rin ang last day shooting nila, kaya habol na habol ang pelikula sa premiere night sa February 11 sa three theaters ng SM Megamall at Feb. 11 opening.

Mabilis si Direk Joel Lamangan sa pagdidirek at laging maraming sequences at anggulo per sequence ang nakukunan. Ang problema lang sa Coron, on and off ang signal, kaya no choice kundi mag-shooting nang mag-shooting.

Magpo-promote ng pelikula sina KC at Richard sa mga show ng ABS-CBN gaya ng Sharon, Wowowee, E-Live, The Buzz, ASAP at Boy and Kris. Wala pa kaming listahan ng shows ng GMA-7 na lalabasan ng dalawa at magpo-promote rin sila sa Q-11.

* * *

Masayang-masaya ang Freestyle, MYMP at Side A Band na magkakaroon ng repeat ang successful concert nila noong December 1, 2008. Billed Love 2 Love 2 Love, ang repeat ay gagawin pa rin sa Araneta Coliseum sa February 15.

Ang MYMP, may babaguhin sa kanilang repertoire, more on love songs ang isasama nila para mas bumagay sa okasyon. Favorite part nila ng concert ang opening number na sama-sama sila ng Freestyle at Side A.

Ang walang sapawan at pagtutulungan sa stage ang binanggit na rason ni Jinky Vidal ng Freestyle sa tagumpay ng concert. Isa sa mas pinalak-pakan ng mga tao sa concert ay ang spot number ni Mike Luis ng Mi-chael Jackson song at iniyakan ni Jinky sa sob-rang tuwa. May ini-handa uli silang panggulat na number, kaya abangan.

Favorite part sa concert ni Joey Generoso ng Side A Band ang production number nila na masaya at masarap daw gawin. Wala silang panggulat na number at magko-concentrate sa love songs at new compositions nila.

Produced ng Viva Concerts and Events ang concert and tickets are available at all SM Ticketnet outlets, Araneta Coliseum box office or call 9115555 or 6876181 local 620.

* * *

Mas nahiya kesa mailang si Kim Chiu sa kissing scene nila ni Jake Cuenca sa Tayong Dalawa dahil ang feeling niya, big star ang aktor para ipareha lang sa kanya.

Pumasok sa isipan niya na galing sa very successful Palos ang aktor, samantalang siya'y pa-tweetums at si Gerald Anderson lagi ang nakakapareha.

"Pero inalagaan niya ako sa kissing scene namin, nice siya at masayang katrabaho. Nabura ang first impression ko sa kanyang mahihirapan akong pakisamahan siya dahil mayaman. Mabait pala siya," patungkol ni Kim kay Jake.

Sabi ni Kim, wala pa rin silang commitment ni Gerald at puwede pa rin siyang ligawan. Gusto nitong ma-experience kung paano sinu-suyo, pero may pauna na siya sa manliligaw, ayaw niya ng formal date at ayaw na dadalhin siya sa restaurant.

Ayaw niyang girl na girl ang ayos niya at 'di siya papayag na dalawa lang silang lalabas. "Mangingilabot ako," say nito.

* * *

Naghahanap ang GMA-7 ng magiging leading lady ni Richard Gutierrez sa Zorro at simula ngayong Friday ang audition.

Ang interesado ay magpunta sa GMA Network at kahit dati nang artista, welcome pa rin. Mula 1 p. m. onwards ang audition, chance na niyong maging artista.

Sa March na raw ang airing ng Zorro and by February, magsisimula nang mag-taping. Big project ito at si Richard pa ang makakapareha ng makukuha, kaya go na!

* * *

Birthday special ni Drew Arellano ang mapapanood sa hino-host nitong Balik-Bayan sa Q-11 this Friday, 10:15 p. m. , at isang barkada gimik ang handog sa kanya. Sasamahan siya ng friend niyang si Archie Alemania para puntahan ang favorite places niya.

Unang binisita ng dalawa ang Xavier School sa Mandaluyong, ang high school alma mater ni Drew, at nakasama nila ang former teachers and classmates nito.

Nag-food trip din sila sa Cookbook Kitchen sa Shaw Blvd. at Café 77 sa Kamuning. Ang last stop nina Drew at Archie ay ang TGIF Bonifacio High Street at kasama ang mga kaibigan, binigyan ng party si Drew.

* * *

Friday sa Luna Mystika, alam na ni Andoy (Luis ALandy) ang sikreto nina Luna at Celestina (Heart Evangelista) nang masaksihan ang transformation ng huli sa pagiging anino. Kukuha uli ng prutas ng Limer si Celestina, pero 'di niya mahahawakan.

Makakain ni Luna ang prutas ng Limer na inihanda ni Adita (Pauleen Luna) at hihimatayin siya na ipinag-aalala ni Celestina. Sa tulong ni Anata (Michelle Madrigal), hindi nakain ni Luna ang prutas at magigising siya.

Magpapakita si Celestina kina Alice (Sheryl Cruz), Donita (Iwa Moto) at Don Joaquin (Dante Rivero), aawayin siya ng mag-ina, pero wala silang magagawa't proproteksyunan siya ng Don dahil isa siyang Sagrado.

Source: People's Tonight