|
|
| GMA-7 reveals lineup of shows in the first quarter of 2009![]() Author: Dinno Erece Binuksan sa ilang piling entertainment writers ang dating pang-editor lang na quarterly lunch ng pamunuan ng GMA-7 Entertainment TV kanina, January 16, sa 17th floor restaurant sa GMA Network Center. Full force ang entertainment division head sa pangunguna nina Ms. Wilma Galvante, SVP for Entertainment TV; Ms. Marivin Arayata, VP; Ms. Lilibeth Rasonable, AVP for Drama; Ms. Darling de Jesus, AVP for Musical, Variety & Specials; Ms. Janine Piad-Nacar, AVP for Talk, Game & Reality; Ms. Gigi Santiago-Lara, AVP for Alternative Productions. Kasama rin ang Senior Program Managers na sina Ms. Redgie Magno, Ms. Bang Arespacochaga, at Ms. Ruth Marinas; pati na ang Program Managers na sina Hazel Abonita, Enri Calaycay, Rams David, Cheryl Ching-Sy, Cecille de Guzman, at Redgynn Alba. Si Ms. Ali Dedicatoria lang ang tanging in absentia. Katulong nila ang PR group ng Entertainment TV headed by Mr. Butch Raquel at sina Angel David-Javier of Entertainment TV at Jojo Aquio of Q11. Dito in-announce ang mga upcoming shows ng GMA-7 sa first quarter of the year, including three new primetime shows, isang Sine Novela, at isang game show. MY DAD IS BETTER THAN YOUR DAD. Ang My Dad Is Better Than Your Dad, hosted by Paolo Contis, ang unang-unang show na magpa-pilot sa GMA-7 ngayong taon na ito. Ito ang ipapalit sa Celebrity Edition ng Family Feud ni Richard Gomez tuwing Linggo, at magpi-premiere ito sa February 8. ANG BABAENG HINUGOT SA AKING TADYANG. Ang unang drama naman na magpi-premiere sa Telebabad block ngayong taon na ito ay Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Kapalit ito ng La Lola na magtatapos sa February 6. Sa February 9 naman ang pilot ng pangatlong pagsasama nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa TV series. Dagdag kuwento ni Ms. Galvante, "traditional love story" pa rin ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang ngunit may touch of suspense and mystery ang kuwento. Nang pinanood daw ng creative group ang original na pelikula ni Carlo Caparas, na pinagbidahan nina Vivian Velez at Eddie Rodriguez, nakahanap sila ng mga paglalagyan nila ng dagdag na subplots para mapahaba nila ng labing-anim na linggo ang kuwento ng isang pelikulang tumakbo lang ng dalawang oras. Paano Ba Ang Mangarap? Naurong naman to February 16 ang pagpapalabas ng unang Sine Novela ng GMA-7 para sa 2009, ang Paano Ba Ang Mangarap? nina Jennylyn Mercado at Mark Herras sa direksiyon ni Joel Lamangan. Dapat sana'y magsisimula ito ng January 26, ngunit nag-request ang programming department na nagpapasok ng mga Koreanovela sa afternoon block ng GMA-7 na Dramarama Sa Hapon, na patapusin muna ang naisalang nang Koreanovela (Be Strong Geum Soon) bago ito tanggalin. Ang Paano Ba Ang Mangarap? ay halaw naman sa pelikula nina Vilma Santos at Christopher de Leon noong 1983. TOTOY BATO. Sa February 20 magtatapos ang Gagambino ni Dennis Trillo. Papalitan naman ito sa February 23 ng Totoy Bato nina Robin Padilla, Regine Velasquez, at Manny Pacquiao. Dagdag impormasyon sa Totoy Bato, ang kuwento ng orihinal na pelikula ni Fernando Poe, Jr. ang hinatak ng GMA-7 sa acquired titles. Tumama kasi ang pagkakataon na malibre ang binabalak nilang magbida sa soap--sina Binoe, Pacman, at ang Songbird. Makakasama nila si Eddie Garcia bilang trainer nina Robin at Pacquiao. ZORRO. Sa pagtatapos ng Luna Mystika nina Heart Evangelista at Mark Anthony Fernandez, saka isasalang ang Zorro ni Richard Gutierrez. Ngayong araw na ito nagpapa-audition ang GMA-7 sa dalawang leading ladies ni Richard para sa Zorro, na ididirehe nina Mark Reyes at Dominic Zapanta. Ito rin ang pagbabalik-directorial team nina Mark at Dominic na huling nagkasama bilang mga direktor sa Pintados noong huling taon ng dekada '90. Ang ilan sa confirmed na magsisiganap sa Zorro ay sina Joel Torre, Ricky Davao, at ang nagbabalik-Kapuso na si Jaclyn Jose. May kuwento rin si Ms. Wilma sa acquisition ng Zorro. Year 2006 pa lang daw at itini-tape pa lang ang serialized version ng kuwento ni Johnston McCulley ng Telemundo at Sony, nakipag-usap na raw ang team ni Ms. Wilma na bilhin ang rights ng Zorro para kay Richard. Hindi pinayagan ng Sony na ibenta ang rights ng kanilang version na Zorro: La Espada Y La Rosa dahil television rights lang ang gustong ibenta ng Sony. Ibinenta ang rights sa ABS-CBN at kasabayan naman ay ang pagtatapos ng copyright ng heirs ni McCulley. Naging public domain na ang Zorro at ang orihinal na kuwento, kung saan siya unang lumabas bilang part-part series, The Curse of Capistrano. Nagdesisyon ang GMA-7 na ang original story ang gawin at dito bumalik ang Sony para ibenta na ang franchise na binili naman ng Kapuso. Sa pagkakaintindi namin, dalawa ang magiging leading ladies ni Richard dahil pagsasamahin ang original na leading lady ni Don Diego dela Vega (Zorro) sa The Curse of Capistrano na si Lolita Pulido at ang leading lady niya sa La Espada Y La Rosa na si Esmeralda Sanchez de Moncada. Hindi nabanggit kung magkakaroon pa ng pangatlong leading lady, ang ginamit naman sa movie version ni Antonio Banderas na ginampanan ni Catherine Zeta Jones, si Elena Montero. Source: Philippine Entertainment Portal |