Feb 10
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Gabby Concepcion, gaya-gaya kay Bong Revilla!

Gabby Concepcion, gaya-gaya kay Bong Revilla!

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

SI Rafael Rosell sa papel na “demonyo” sa “Maligno” ay nakipagha­bulan kay Claudine Barretto na gusto niyang rape-in. Hindi ba katawa-tawa 'yun?

Demonyo, makikipag­habulan sa isang mortal? Eh, kaya nga ng demonyo to disappear and re-appear and be in several places at the same time.

Bakit nagpakapagod pa ang demonyong 'yun, eh puwede naman siyang mahiga na lang sa kama at orderin si Claudine na pumatong na lang sa kanya, bakit nag-aksaya pa ng negatibo para sa kapintas-pintas na eksenang 'yun? Para ano?

Para ipakita ang hubad na katawan ni Rafael na nagtatatakbo? Ano na naman 'yun -- cinematic license na naman?

Oh, God! (sabay sign of the cross!).
***

Dapat na ngang ili­bing nang tuluyan 'yang walang kredibilidad na award giving body kuno ng isang namayapa na! Bakit sa Channel 4 na lang ito inere? Hindi ba dati, eh exclusive pa mandin ng Channel 2 'yan?

Baka dyahe ang Dos na pagtawanan sa award ng “box-office king and queen” na hindi naman.

'Yung award ni Marian Rivera na outstanding star ng telebisyon, tapos may most promising star award? Eh, kinumpirma na outstanding star, tapos promising pa lang pala?

Oh, gosh! Bigosh! Abelgas!
***

Dapat 'yang mga ba­yarang PR nina Kathy Solis at Bong Osorio ay subaybayan din nila kung worth ba ang ibinayad sa pagsusulat.

Isulat ba ng isang bayaran na si Jake Cuenca raw ang unang nakapareha ni KC Concepcion.

Hindi ba si Derek Ramsay ang unang naka-partner ni KC Concepcion sa MMK. BOBO!
***

Bakit 'yung may mga regular teleserye na ang siya pang inilalagay sa mga “Your Song” “Love Spell”, “I am KC”, atbp.?

Eh, papaano na 'yung mga guwapo rin naman pero walang mga trabaho na ina­agawan pa ng mga cupid's favorite?

Hindi kasi natikman?
***

Ang mga GMA artists may effort para ibahin ang looks nila kesa hitsura nila sa personal. Look at Dingdong Dantes, nag-effort siya para ibahin ang hitsura niya sa “Marimar” patungo sa “Dyesebel”.

Nagpapayat siya! Habang si Richard Gutierrez naman ay nag-workout para palakihin ang kaha niya! And Robin Padilla, nagpapayat for “Joaquin Bordado”, debah?

Sa ABS-CBN ba ginagawa 'yan ng mga artists nila? Look at Jon Avila in “Boom na Boom”, binago man lang ba ang hitsura nito from his original looks sa PBB house?

“Huwag po at baka hindi na maglaway sa kanya ang mga bakla na nalolokah sa bukol niya, noh!”

AYOS!
***

ABS-CBN KC & Valerie Concepcion, Sam Concepcion. GMA sana has Gabby Concepcion, pero wah -- kaya ngayon ABS has Gabby's extraordinary files na gaya-gaya sa Bong Revilla's “Kaps Amazing Stories”, so Ka Pete, nah!
***

Makinig ka Ms. M -- para sa mga bakla, sa layo na ng nalakbay ko at narating figuratively speaking, nagsisilbi akong mentor, icon, yes a guru, na nagbabahagi ng mga nalalaman ko at napagdaanan ko na.

Ayaw nila akong magyabang? Gusto nila akong busalan? Tinatanggalan nila ako ng freedom of speech? Freedom of choice? Freedom of opinions?

Ayaw nila akong magyabang? Eh, bakit sila proud na proud maging sa kanilang mga kapalpakan?

Mga kapalmuks!
***

Nagsisilabas na ang mga tinatamaan sa unti-unti kong expose, 'yang mga natatapakan na, scared na sila -- sila ang mga nagsasama-sama to make a grand move. Bakit nga naman sa mismong bakuran pa nila sila binubuko? Bakit, ginagawa ba nilang kanlungan at taguan ang nagpapasahod sa kanila na hindi naman nila ginagawa ang trabaho nila?

Eh, kung sa kalabang network ako magtatatalak -- eh 'di sasabihin naman nila sourgraping ako? I am a sweet grape, noh! Never a sourgrape.

If you are in the same house under one roof, either complaint 'yun or petitions for remedy or words of wisdom for improvements! But they don't want to improve nga eh! Or there's no more room for improvements kaya?

So, anong nangyayari? Unti-unti ng bumibigay ang kalawang. Wala nang laman ang treasure chest! Puro chest na lang ng mga mayayabang ang natira!

Panay ang dukot nila sa bulsa ng Papa Gabby ko!

Eh, paano na 'yung mga nangungupit diyan, buko na nga sila super-deny pa! Kaninong mga bulsa kaya napupunta 'yung linggu-linggong kupit nila sa ibang talents?

“'Yung mga nangu­ngumisyon para ilagay sa show ang ibang talents na nakaabang ng trabaho, hindebah Albert?

Source: Abante