Mar 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Gabby Concepcion hindi pa rin nalilimutan ang showbiz

Author: Lolit Solis
Column: Take It! Take It!

Ngayon at hindi noong Sabado ang birth­day ni Gabby Concepcion kaya nag­ka­mali ng sinabi si Jolina Magdangal sa birthday celebration nito kahapon sa SOP.

Si Gabby at hindi ang kanyang boyfriend na si Bebong Muñoz ang surprise caller ni Jolina.

Hindi ko alam kung paano nagkakilala ang dalawa pero siguradong nagkasama na sila sa mga show ni Jolina sa Amerika.

Panay ang tanggap ni Gabby ng mga show sa Ame­rika kahit hindi na siya active sa showbiz. Ti­nanong pa nga niya noon ang anak ko kung in­teresado ito na mag-produce ng concert sa Washington DC para sa Filipino community doon.

Hindi basta-basta malilimutan ni Gabby ang showbiz 'no! I should know dahil matagal ko siyang naging alaga.

Happy man si Gabby sa Amerika, sure ako na miss na miss na niya ang showbiz at ang Pilipinas. Eleven years na siyang hindi nakakatungtong sa sariling bayan 'huh!

* * *

Replay pala kahapon ang ASAP. Naiyak-iyak pa naman ako habang pina­pa­­nood ko ang tribute nila kay Martin Nievera dahil umiyak din ito.

Bihira kasi akong makapanood ng ASAP dahil palagi akong nakatutok sa SOP. Hindi ko tuloy alam na rewind as in replay pala ang pag-iyak ni Martin.

Mukhang napapadalas ang pag-iyak ni Martin na naging emotional mula nang i-tell all ni Pops Fernandez sa YES magazine ang mga naka­ka­lokang pangyayari sa kanilang relasyon.

Naka-plug sa ASAP ang forthcoming shows ni Martin sa Pilipinas as in may mga concert produ na kumukuha pa rin sa kanya. Ang ibig sabihin, hindi talaga siya naging nega sa mata ng publiko. Ang akala ng marami, magiging nega ang image ni Martin dahil sa mga revelation ni Pops.

* * *

Na-miss ko kahapon ang launch sa SOP ng Christmas plug ng GMA 7. Gustung-gusto kong ma­panood ang participation ko sa Christmas plug dahil dito ako inabot ng sipon nang abutin ng gabi ang aming shooting.

Ginastusan at pinag-isipan nang husto ng GMA 7 management ang Christmas plug.

Napakarami ng artista ng Kapuso network at para ma-accommodate silang lahat, talagang pinag-aralan at pinagplanuhan ang mga eksena ng Christmas plug.

* * *

Kahapon ko napanood ang bagong TV commercial ni Batangas Governor Vilma Santos na nag-celebrate din ng birthday noong Sabado at nakatanggap ng surprise call mula kay Nora Aunor.

Ang layu-layo na ng narating ni Vilma. Magagalit ang mga Noranian sa sasabihin ko pero kailangan nilang tang­gapin ang katotohanan na mas suc­cessful ngayon si Vilma kesa kay Nora.

Kung naging masinop si Nora, siya sana ang pinakamayaman na artistang Pilipino dahil hindi na mapapantayan ng ibang artista ang naging kasikatan niya noon.

Maraming tao ang pinayaman ni Nora at yumaman nang dahil sa kanya.

Milyun-milyong piso ang kinikita noon ni Nora kaya nasasaktan ang kanyang fans sa naba­ba­litaan nila na nakikitira na lang ang kanilang iniidolong aktres sa mga kababayan natin na nakikilala niya sa Amerika.

Ganyan talaga ang buhay. Bilog ang mundo. Mababago lang ang takbo ng buhay ni Nora kung mismong sa kanya mag-uumpisa ang pagbabago.

Source: Pilipino Star Ngayon