|
|
| Gabby at Mommy Rose, pera ang ugat ng problema![]() Author: Jojo Gabinete HINDI natuloy ang paghaharap at pag-uusap nina Gabby Concepcion at ng kanyang business manager na si Mrs. Rose Flaminiano noong Lunes ng gabi. Nag-request si Mommy Rose na ilipat sa ibang araw ang meeting nila ni Gabby dahil gabi na nang makabalik siya sa Metro Manila. Nanggaling si Mommy Rose sa Dagupan at naipit siya sa matinding trapik dahil sa malakas na ulan. Base sa mga lumalabas na balita, pera ang diumano'y ugat ng hidwaan ni Gabby at ng kanyang manager. Malaki raw ang ipinagbago ng ugali ni Gabby nang matapos ang kanyang successful two-night concert sa Music Museum. Humihingi na raw si Gabby ng mas mataas na talent fee at nag-walk out siya sa isang meeting nang malaman niya na co-producer si Mommy Rose sa kanyang concert. Pero iba ang mga sinasabi ni Mommy Rose nang tawagan namin ito kahapon para hingin ang panig niya tungkol sa walk-out issue. Imbes na siraan si Gabby, ipinagtanggol pa niya ang kanyang alaga. Mariing sinabi ni Mommy Rose na hindi nag-walk out si Gabby nang makita nito ang kontrata. Walang insidente na ganoon at lalong wala sa ugali ni Gabby ang mag-walk out. In fact, according to Mommy Rose, siya pa raw ang nagsabi kay Gabby tungkol sa memorandum of agreement nila ni Arlene Lipana, ang co-producer ng mga show ni Gabby. Maraming tawag sa telepono ang natatanggap ni Mommy Rose mula sa staff ng mga showbiz-oriented talk show at humihiling na mainterbyu siya tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng talent-manager relationship nila ni Gabby. Tinanggihan ni Mommy Rose ang mga request dahil naniniwala siya na hindi kailangan na magpainterbyu sa mga talk show para malutas ang mga problema o pagtatampo ni Gabby. “Just Me” ang title ng bagong album ni Sarah Geronimo sa Viva Records at carrier single nito ang “I'll Be There”. Si Howie Dorough ng Back Streetboys ang ka-duet ni Sarah sa “I'll Be There” at dadalaw sa Pilipinas ang American singer para sa promo ng kanilang single. Sa September 12 ang release date sa mga record bar ng Just Me at magkakaroon ito ng grand launch sa ASAP sa September 28. Bukod sa promo ng bagong album, abala si Sarah sa paghahanda sa major concert niya sa Araneta Coliseum, ang The Next One. Ang concert ni Sarah ay mula sa direksyon ni Johnny Manahan. Musical director si Louie Ocampo at producer ang Viva Concerts & Events. Ipagdiriwang ni Rhian Ramos ang kanyang 18th birthday sa October 3, 2008 at ang pagiging bida ng La Lola ang biggest birthday present na natanggap niya sa kanyang buong buhay. Tatlo ang birthday celebration ni Rhian. Magkakaroon siya ng birthday party, kasama ang mga bata sa isang charitable institution na kanyang sinusuportahan, grand launch cum birthday party para sa La Lola at ang party niya na gaganapin sa Embassy Bar. Sina Richard Gutierrez, JC de Vera, Mark Herras at ang mga direktor na nakatrabaho niya sa TV shows ng GMA 7 ang mga inimbitahan ni Rhian para sa 18 roses at kabilang naman sina J Gustong imbitahan ni Rhian si Judy Ann Santos pero hindi pa sila nagkakausap ng aktres na co-star niya noon sa Ouija ng GMA Films. Magkapatid sina Rhian at Robin sa Sundo, ang next movie offering ng GMA Films. Ang La Lola ang hit TV series sa Argentina at ayon kay GMA 7 Program Unit Manager Cheryl Ching-Sy, umabot na sa 60 ang adaptation sa iba't ibang bansa ng sikat na programa. Tuwang-tuwa si Rhian dahil ipinagkatiwala sa kanya ng GMA 7 ang pagbibida sa La Lola. Ayaw isipin ni Rhian na make or break para sa kanya ang La Lola. Alam niya na siya ang sisisihin kung hindi magiging hit ang Philippine version ng La Lola pero pinaiiral niya ang positive thinking. Mag-uumpisa sa Biyernes ang taping ng La Lola at bilang paghahanda, nag-research na si Rhian sa role na kanyang gagampanan. Pinanood din niya sa Youtube ang mga eksena ng La Lola at pinilit na maintindihan ang mga dialogue ng Argentinian actors. Mga performer na may talent na gumanap bilang higanteng pritong itlog na may side dish na fries ang isa sa mga nakamamangha na eksena na mapapanood mamayang gabi sa Masquerade ng Bilib Ka Ba Nights ng GMA 7. Sina Maverick at Ariel ang mga host ng Masquerade. Bukod sa giant fried egg, ipakikita nila sa show ang human train na tumatakbo sa pamamagitan ng toothpaste at shampoo. Magpapakitang-gilas naman sa Masquerade ang mga performer na magtatanghal bilang mga isda sa ilalim ng dagat. Source: Abante |