|
|
| Gabby, kinasuhan ng Estafa at Deceit!Author: Jojo Gabinete ITINANGGI ni Aster Amoyo ang akusasyon na publicity gimmick ang reklamo na isinampa nila nina Maui Taylor at Aubrey Miles laban kay Mrs. Rose Flaminiano. Ayon kay Aster, nasaktan sila nang mapanood nila sa isang news program ang mga pahayag ng legal counsel ni Mommy Rose. “Ano ang kailangan namin na i-gimik? Matatawag ba na gimik ang dalawang milyong piso (P2M) na utang namin sa Pag-IBIG na hindi namin kagagawan? “Nasira ang pangalan namin, nasira pa ang aming credit line sa Pag-IBIG. Ano ang kailangan namin na i-publicize about ourselves, lalo na ako? Kailangan ko ba ng publisidad? Para saan? Hindi ko kailangan ang publicity. May publicity ka nga, may utang ka naman? Kung sira naman ang pangalan ko, I rather don't have a publicity at all. “Kahit kailan, hindi ako naging publicity hungry. Dito na ako tumanda sa industriyang ito na minahal ko, wala kayong nabalitaan na meron akong minalasado na ibang tao. I am just seeking for the truth and justice. Nagsadya sina Aster, Maui at Aubrey sa opisina ni Vice-President Noli De Castro noong Martes. Pormal nilang inilapit ang kanilang problema sa Pag-IBIG. Si VP De Castro ang head ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB). Bago sila nakipagkita kay De Castro, nagsampa muna sina Aster, Maui at Aubrey ng class suit sa HLURB laban kay Mommy Rose noong October 14, 2008. May kinalaman ang kaso sa loan nila sa Pag-IBIG para sa mga bahay na kanilang binili sa Rosemont Executive Village na pag-aari ni Mommy Rose. Walang kamalay-malay si Gabby Concepcion na muli siyang sinampahan ng kaso ni Mommy Rose noong Martes, October 21, 2008. Nalaman lang ni Gabby ang balita mula sa kanyang mga kaibigan. Estafa at Deceit ang mga kaso na isinampa laban kay Gabby ng kanyang dating manager sa Prosecutors Office sa Quezon City. Nakasaad sa complaint-affidavit ni Mommy Rose na siya ang exclusive talent manager ni Gabby mula April 1, 2008 hanggang April 2013. Na siya ang bumuhay sa namatay na showbiz career ni Gabby. Na siya ang gumastos sa airfare, damit at bail sa mga kaso (bigamy at falsification of public documents) ni Gabby para makabalik ito sa Pilipinas. Naka-attach sa reklamo ni Mommy Rose ang listahan ng mga show na tinanggap niya para kay Gabby pero hindi nito sinipot, sa kabila ng downpayment (P800,000) na ibinigay sa kanya. Diumano, nagdulot ng serious damage at prejudice kay Mommy Rose at sa event organizers ang non-appearance ni Gabby. Tumanggi rin umano ang aktor na ibalik ang downpayment. ***
***Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com. Source: Abante |