|
|
| Gabby, maganda ang karma! 'UH' Year End Reports![]() Author: Alfie Lorenzo NARITO ang karugtong ng kolum ko kahapon: 6. GABBY CONCEPCION VS. Rose Flaminiano: Ang ganda ng karma ni Gabby Concepcion. Dalawang anak ng mayor ang inanakan niya. Ang pangatlo ay pamilya ng grupo ng mga abogado. Diyan bumagsak ang tabak ni Damocles kay Gabino. Kung nakaligtas man siya sa scam ng Manila Filmfest noon, dito sa Syquia law office siya natambakan ng mga kaso na kanyang tinakasan at nagpa-Amerika. At nanatili roon ng 13 years! Sa Amerika ay naging real estate agent siya at paminsan-minsan ay kumakanta sa mga concert venues. Bumagsak ang real estate business sa Amerika at nagkaroon ng recession around the world. Ang pinakamadaling pagkakuwartahan na lang ngayon ay ang showbiz. Konting pagod, konting hagod ng ngala-ngala kahit sintunado ang boses - kuwarta na! Kaya sa ayaw man o sa gusto ni Gabby, napilitan siyang bumalik ng Pilipinas para buhayin ang pamilya niya. Ayaw namang iwan ni Gabby Concepcion ang Amerika. Noon pang presidente si Erap ay may umaayos na sa kaso ni Gabby pati na ang hold order niya sa airport, aayusin na, tumanggi si Gabby. Ngayong recession na nga, napilitan siyang tanggapin ang alok ni Rose Flaminiano sa kanya. Kung nu'ng nagpa-Amerika si Gabby ay naiwan ang mga demanda sa kanya, nitong pagbalik niya ay panibagong mga demanda na naman kabi-kabila ang hinarap niya kaya back to Amerika na naman siya! Nung tumakas siya pa-Amerika ay iniwan niya sa ere ang dati niyang manager na si Lolita Solis na mas gumanda naman ang karma dahil nagkaroon ito ng “Startalk” na 13 years na rin sa ere. Pagbalik ni Gabby sa Pilipinas with Rose Flaminiano's management, tinakasan din niya ang bago niyang manager at bumalik sa Amerika at iniwan pa ang sangkatutak na commitments na nasagutan na at napirmahan na. May movie pa siyang dapat gawin sa GMA films na mas inuna pa niya ang teleserye sa ABS-CBN.That reminds me nu'ng bagito pa lang si Gabby at ipa-partner kay Sharon Cuneta, iniwan niyang hindi tapos ang ginagawa niya sa Regal Films na “Boys Town” kaya naimbudo si Direk Marilou Abaya sa kanya at naghain ng reklamo sa Directors Guild na nagkagulo rin dahil sa pagre-resign ni Eddie Garcia na siyang nagdirek ng Sharon-Gabby movie sa Viva Films. Ewan ko ba if Gabby was born with a spoon laced with poison? Syota na niya si Sharon noon nu'ng makipag-syota rin siya kay Janice de Belen. At nu'ng mahiwalay na kay Sharon, sa anak naman ng presidente nanligaw, na ayaw nang maalala pa ni Kris Aquino ngayon ang kabanatang 'yun sa buhay niya! Hay naku, si Gabby Concepcion pala ang dapat naging bida sa pelikula ni Brocka na “Palipat-lipat, Papalit-palit”, noh! 7. Wilma Galvante VS. Annabelle Rama: Both are my friends, hindi pa balak manligaw ni Bisaya kay Eddie Gutierrez at si Wilma ay nasa broadcast city pa during Marcos time and Kitchie Benedicto. Ganyan lang naman talaga si Bisaya, 'yung bugso ng “Unang Hirit” niya ay makawindang at tila buga ng apoy ng dragona. Pero once na mapaliwanagan naman siya, for she always listens to reasons naman, huhupa na ang galit niya at ang tanging masasabi niya ay, “Ganoon ba 'yun 'Dong?” And so everything comes to light and dead end. Never kong kinausap si Ma'am Wilma. Tanging si Bisaya lang ang pinaliwanagan ko. Ang dali namang natapos 'yun tulad ng saglit na away nila ni Lolita Solis. Kaya nga nu'ng magkita sina Annabelle at Wilma sa airport sa Los Angeles ay nagbatian at beso-beso sila, as if walang nangyaring pananaray si Bisaya! 8.CELEBRITY BIRTHS: Ex. Jennylyn Mercado, Sheree, Valerie Concepcion, Angelika dela Cruz, etc. How time flies indeed. During our times, babies born out of wedlock were kept in secrecy. Itinatago ang mga bata sa pangambang makaapekto sa kasikatan ng isang bituin. Noon kasi, tightly guarded ang moral values kuno ng mga artista at mga role models sila being look up to next to God. Kaya kahit ang dulo ng mga daliri nila ay hindi dapat makitaan ng dumi, noh! Nowadays, parang achievement pa man din (like winning an acting award!), kasal ka man o hindi o kabit lang. Legal man o illegal, basta balita yun, period! Pinagpipistahan ng mga tabloids at TV talk shows. Kaya mistula nang walang mga kahihiyan ang mga artistang 'yan na tila sinasadya pa ang magkamali para umani ng papuri. Katuwiran pa ng ibang mga walang katuwiran - ang pagkakaroon daw ng anak eh ibig sabihin fertile sila kesa naman daw pagtawanang baog pala at 'di magkaanak! Hindi naman kilala noon si Valerie Concepcion except nu'ng bumalik siya mula sa panganganak sa Amerika at mas sumikat nitong may baby na at mas seksi pa siya kesa mga dalagang wala pang mga anak! Si Jennylyn sa walang katapusang rigodon nila ng ama ng anak niyang si Patrick Garcia, is picking up where she left off nu'ng magbuntis siya, as if wala lang - parang 'di nanganak! Eh si Carlene Aguilar na inanakan ni Dennis Trillo, mas sikat at mas sexy pa siya ngayon kesa nu'ng Bb. Pilipinas siya! Mas talked-about siya ngayon kesa nu'ng reyna pa siya ng kagandahan at ka-virginan. Pag gusto ni Carlene to land in print all she has to do is bully Dennis and talk about her baby - and presto, may write-up na siya! Hay naku, how times have changed indeed! Kung ano na lang ang mauso eh siyang lumalagpak sa mga kandungan natin - sa ayaw at gusto natin! So better na lang, tanggapin ang lahat ng nangyayari ng pikit-mata? Well, watch us again ngayon sa “Unang Hirit” at kung sino ang mga sisikat at sino ang mga maglalaho na ang kasikatan ang aming tatalakayin naman! Like on New Year's eve, baka 7 a.m. kami isalang nina Lhar Santiago with Jolina Magdangal and Susie Abrera. Source: Abante |