Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Gabby, may bagong manager

Author: Vinia Vivar
Column: Hot N' Spicy

Hindi direkta ang naging sagot ni Gabby Concepcion nang tanungin siya sa solo presscon niya para sa Dahil May Isang Ikaw kung totoo bang Star Magic na ang nagma-manage sa kanya.

"Tinutulungan nila ako because nga ulila na nga ako, 'yan ang lagi kong ginagamit na word, kasi, I need guidance. Kailangan ko ng mga kasama sa industriya na makapagbibigay sa akin ng guidance.

"I'm at a loss, so humihingi ako ng guidance sa mga kaibigan ko sa industriya. And I'm lucky enough that they accepted the guidance na they will accept all my questions, they will help me out para hindi naman ako naliligaw. "

Matatandaang si Mommy Rose Flaminiano ang unang nagma-manage kay Gabby at ang alam namin ay five years nga ang kanyang kontrata kaya may existing contract pa rin sila kung tutuusin.

Pero buhat nga nang magkaroon ng falling out sina Gabby at Mommy Rose na humantong pa sa korte, wala nang nag-manage sa aktor although may kontrata pa naman sila.

Halatang ayaw namang pag-usapan ni Gabby si Mommy Rose kaya hindi na naitanong pa sa kanya ang iba pang legal na usapin ng problema nila.

Anyway, muling mapa-panood si Gabo sa Dahil May Isang Ikaw na mag-sisimula na sa Aug. 24. Reunion project nila ito ni Lorna Tolentino pagkata-pos ng mahaba-habang panahon at first time naman niyang makakaka-sama sina Jericho Rosales, Kristine Hermosa, John Estrada, Karylle, Chin-chin Gutierrez, Sid Lucero at iba pa.

Sa nasabing serye ay may sampalan scene sila ni LT at ayon kay Gabby, napalakas din ang sampal sa kanya ng aktres at bumakat ang kamay nito sa kanyang mukha pagkatapos.

"Actually, take 2 'yun, eh. Kasi 'yung first take, hindi malakas, dampi lang. Eh sabi ni LT, naiilang kasi siya na baka kung saan ako tamaan. Kasi 'pag tinamaan ka sa tenga, delikado, eh, you can break an eardrum.

"So, sabi ko sa kanya, tutal malaki naman ang panga ko, titigasan ko na lang 'to, ito na lang ang tamaan mo. So, sabi niya, okay. Game, action. So, ayun, nagmarka talaga. Masakit, oo. Hindi mo na iaarte kasi masakit talaga, eh," natatawa niyang sabi.

Nag-apologize naman daw si LT at hinaplos pa ang mukha niyang tinamaan sabay tanong kung okay lang siya.

"'Yon 'yung mga eksenang gusto ko," say niya sabay-reenact sa paghaplos ni LT sa kanyang mukha kaya nagkatawanan.

Sa pelikula naman ay kasalukuyang ginagawa ni Gabby ang movie with Angelica Panganiban, Derek Ramsay ang Kim Chiu na balitang entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival sa December.

* * *

Nakausap namin ang legal counsel ni Dra. Vicki Belo na si Atty. Adel Tamano sa presscon na ipinatawag ni Sen. Manny Villar last Friday. Kasama ang nasabing lawyer sa ipinakilalang anim na bagong miyembro at spokesperson ng Nacionalista Party, ang pinaka-matandang partido sa Pilipinas.

Nabanggit ni Atty. Tamano na nagwi-withdraw na pala siya sa ilang kaso ni Dra. Vicky Belo na hinahawakan ng kanyang law office.

"I already started withdrawing in some cases because pagdating ng November, full blast na ang kampanya, so it would be unfair to her as my client na I will attend hearings and I will be giving interviews na hindi ako handa.

"Plus I want to have my full time not only to my campaign but also to support my candidate," paliwanag ni Atty. Tamano.

Hawak pa rin naman daw ng law office niya ang mga kaso pero hindi na niya personal na maaasikaso at ibang lawyers na lang daw ang magha-handle.

Nagpaalam daw siya nang maayos kay Dra. Belo at naintindihan naman daw nito at natutuwa siya na happy naman daw ito sa kanyang desisyong pumasok sa politika't sinusuportahan naman siya.

Bukod kay Atty. Tamano, kasama rin sa bagong miyembro ang mga batambata't makikisig na sina Sen. Alan Peter Cayetano, Reps. Teofisto "TG" Guingona III at Justin Mark "Timmy" Chipeco, mga dating congressman na sina Gilbert Remullo at Juan Pablo "Rimpy" Bondoc.

"Sila ang tropang Nacionalista," buong pagmama-laking pahayag ni Sen. Villar, kasabay ang pagsasabing ang mga ito ang kumakatawan sa "ideals" ng partido na maghahayag at magpapaliwanag sa mga isyu at adbokasiya na isinusulong ng NP para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.

Source: People's Tonight