|
|
| Gabby, nabingi sa lakas ng sampal ni LornaAuthor: Vinia Vivar Last Wednesday ay si Miss Lorna Tolentino naman ang solong humarap sa press para sa kanyang comeback teleserye sa ABS-CBN na Dahil May Isang Ikaw kung saan ay kasama niya ang nagbabalik-tambalan ding sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa, gayundin si Gabby Concepcion, John Estrada at Karylle. Bukod sa comeback teleserye ito ni LT ay first time niyang makakasama ulit pagkatapos ng mahabang panahon si Gabby gayundin sina Echo, Tin at Karylle, kaya naman excited ang Grand Slam Queen sa nasabing project. Sa trailer nga ng serye ay ipinakitang may mild kissing scene siya with Gabby at aniya ay okay naman sa kanya kung may mga darating pa't wala naman daw siyang limitasyon sa mga ganitong eksena basta't huwag lang torrid. "Okay na sa akin ang kissing scene ngayon kasi malalaki na naman ang mga anak ko, so, I have no problems with that," sabi ni LT. Pagkatapos niyang sabihin ito, maya-maya ay nawalan ng audio ang kanyang microphone kaya naman nagkabiruan na ayaw ng yumao niyang asawang si Rudy Fernandez na ma-kipag-kissing scene siya. Sa trailer pa lang ay nakita na kung gaano kahusay ang performance na ibinigay ni LT sa serye, pati na rin ang ibang cast kaya naman ipinagma-malaki ng mga director na sina Jerry Lopez Sineneng at Rechie del Carmen ang kanilang mga artista. Sabi nga ni Direk Jerry, noon pa raw ay fan na fan na siya ni LT dahil napa-kahusay daw na aktres. "Pag umaarte siya, pati ang buhok at anit niya ay umaarte, pati ang mga toes, kaya naman fan na fan niya ako," papuri ni Direk Jerry. This early ay kontro-bersyal na agad ang sam-palan scene ni LT and Gabby na ipinakita rin sa trailer. Balita kasing napa-lakas ang sampal ng aktres kay Gabo at nasaktan talaga nang husto ang aktor. Inamin naman ni LT na medyo napalakas nga ang sampal niya pero hindi naman niya siyempre sinasadya. Nakita na lang daw niya na nagmarka ang sampal niya sa mukha ni Gabby kaya hiyang-hiya siya. Ang balita, nabingi ang aktor sa kanyang sampal. Pero say naman ni LT, iniwasan daw niya talaga na mahagip ang tenga ni Gabby dahil alam naman daw niyang delikado 'yun at 'yun din naman ang bilin ng aktor. Magsisimula na ang Dahil May Isang Ikaw sa Aug. 24 sa primetime slot ng ABS-CBN. * * * Spring Films ang producer ng Kimmy Dora na first solo movie ni Eugene Domingo pero dahil ang Star Cinema ang magre-release nito, kahapon sa presscon ay naitanong sa isa sa producers na si Erick Raymundo kung apektado ba ang movie sa problemang namamagitan ngayon sa Star Cinema at sa SM Cinemas. As we all know, ang pelikulang And I Love You So nina Bea Alonzo at Sam Milby na kasalukuyang ipinapalabas sa 100 theaters nationwide ay hindi napapanood sa SM Cinemas dahil may mga isyung nireresolba ang magkabilang kampo. Ayon naman kay Erick, hindi rin daw niya alam kung damay ang Kimmy Dora sa problema at kagabi ay nakatakda siyang makipag-meeting sa Star Cinema para malaman kung apektado ba sila at kung ano ang pwede nilang maging options kung sakali. "Kasi distributor lang namin ang Star Cinema so, we don't know kung kasama ba kami doon (sa problema), we don't know kung ano ang extent ng limitations ng transactions nila with SM Cinemas," ani Erick. Siyempre, nakakalungkot din daw kung sakaling hindi maipalalabas sa SM Cinemas ang movie dahil maliit na produksyon lang naman daw sila at makakaapekto tiyak kung magkukulang sila sa malalaking sinehan. Maging si Uge (palayaw ni Eugene) ay umaasang huwag namang madamay ang movie niya sa problema at sana raw ay maayos na ito. Bukod sa first solo movie ni Uge ang Kimmy Dora ay unang proyekto rin ito ng Spring Films na binubuo nina Erick, Piolo Pascual, Joyce Bernal (na siya ring director ng movie) at ng acclaimed cinematopgrapher na si Shayne Sarte. Lahat sila ay grabeng effort ang ibinuhos sa pelikula para lang maging maganda ang resulta. Say nga ni Erick, si Direk Joyce ay may tinanggihan pang teleserye sa GMA-7 para lang makapag-focus sa movie. Si Uge ay grabe rin daw ang promo na ginagawa at ito pa ang nagsasabi na pwede siyang pumunta sa mga palengke at schools para lang mai-promote ang pelikula. Showing na sa September 2 ang Kimmy Dora at kasama rin dito sina sina Dingdong Dantes in a very special role, Zanjoe Marudo, Mirriam Quiambao, Ariel Ureta, Gabby Eigenmann, Baron Geisler at marami pang iba. Source: People's Tonight |