|
|
| Gabby out na sa movie ng GMA FilmsAuthor: Dinno Erece SA GMA Films pa rin magka-comeback si Gabby Concepcion. Official na ngang out si Gabby sa out of the country movie ng GMA Films na napalitan na rin ang title to ITALY (I Trust And Love You) from Holiday Off na dati ring Love Cruise. Si Dennis Trillo na ang papalit sa kanya at isa sa mga aalis this April 4 for Italy kasama ang ibang cast na sina Jolina Magdangal, Rufa Mae Quinto, Eugene Domingo, Mark Herras and Rhian Ramos. This doesn't mean that Gabby won't be making a comeback anymore and if so, hindi na sa GMA. May napirmahan nang contract ang dating asawa ni Sharon Cuneta sa GMA Films at nakatanggap na rin siya ng down payment. Bale maghahanap na lang ng ibang project ang GMA Films for Gabby na magiging kapalit ng ITALY and both parties agreed on this. Sana lang this year din ito magawa. * * * HINDI pa tapos ang MariMar. Pagkatapos ng finale nito last Friday, may mapapanood pa ang fans ng number one primetime show in Philippine television today. Ito ang Special Finale ng MariMar pagkatapos ng Pacquiao-Morales fight sa GMA. Ipapalabas muli ang pinaka wedding scene nina MariMar (Marian Rivera) and Sergio (Dingdong Dantes), a lot of interviews and some behind the scene. Napansin din namin na tapos na ang show, dire-diretso pa rin ang kuha ng mga camera crew ng MariMar sa post wedding scenes na live na in-integrate last Friday kaya this could also be seen mamaya. After the show, iyakan nang iyakan ang mga cast. We don't know if they're crying kasi tapos na ang show or because of the beautiful wedding na parang tunay. Para sa mga nagpu-post MariMar withdrawal syndrome, watch niyo ito. * * * HALOS magkatulad ang titulo ng mga bagong films ng GMA Films and Star Cinema. As we reported that one of GMA Films next projects for this year will be titled Amnesia starring Dingdong Dantes, Marian Rivera and Iza Calzado got word na may bago ring project ang Star Cinema, a comedy naman na magi-ging comeback team up of Vhong Navarro and Toni Gonzaga, ang Amensia Girl. Bale 'Girl' lang ang nadagdag sa project ng Star Cinema. For sure, parehong working titles pa lang ang Amnesia ng GMA Films and Amnesia Girl ng Star Cinema but if not, one of them is bound to change title at kung sino, we don't know. Anyways, full blast na ang Star Cinema for their second movie of this year na Vhong starrer din, ang Supah Papalicious co-starring with Makisig Morales and Valerie Concepcion from the direction of Gilbert Perez. Ipalalabas ang Supah Papalicious this March 22. * * * HINDI lang pala multiple directors ang problema ng isang top rating show, multiple head writers din. Hand to mouth ngayon ang production ng isang primetime soap, as in tape to air. Ang tini-tape today, nagagamit ang iba kinagabihan dahil nagagahol sa oras. This will worsen next week dahil Holy Week so they have to advance taping dahil walang magta-trabaho. Makakadagdag problema pa na aalis ang ilang cast for extended vacation and some, for out of the country commitments. Paano, lima raw ang 'kinikilalang' directors sa set. Bukod sa dalawang official directors, 'direk' din ang tawag sa main star, sa veteran star at sa isang action star. If this is not enough, may dalawa pang 'head writer' or punong tagasulat kung saan pupunta ang kuwento. Bukod sa credited head writer, nakiki-head write din daw ang dalawa sa 'directors' ng show. Umabot na sa punto na isang araw, limang eksena lang ang nakunan. Iba-iba kasi ang burda ng kuwento at direction. Source: Taliba |