|
|
| Gabby, pinalitan si Robin sa soap ni KrisAuthor: Nitz Miralles Sa tatlong producers ng Patient X, si Richard Gutierrez ng RGutz Productions ang pinaka-kabado sa magiging box-office result ng movie na showing na ngayong Miyerkules dahil first attempt niyang mag-prodyus at malaking halaga rin ang isinosyo sa Viva at GMA Films. Sabi nito, anuman ang mangyari sa boxoffice, tuloy ang pagpoprodyus niya 'pag may dumating na right project at tuloy din ang paggawa niya ng horror movie. Next year niya balak sundan ang Patient X at si Yam Laranas pa rin ang director. Samantala, makakapagpahinga si Richard bago magsimulang mag-taping ng Full House dahil manonood siya ng laban nina Manny Pacquiao at Miguel Cotto sa November 14 kasama ang buong Gutierrez family at saka siya didiretso sa Prague para mag-taping. * * * Hindi na pala tuloy ang tambalan nina Kris Aquino at Robin Padilla sa bagong soap ng ABS-CBN na Kung Tayo'y Magkakalayo dahil uunahing gawin ng actor ang pelikula sa Star Cinema. He was considered as Kris' leading man, kaso hindi siya mahihintay ng aktres-TV host na kailangang magsimula nang mag-taping para maipalabas ang soap before her birthday. Si Gabby Concepcion ang ipinalit kay Robin bilang kapareha ni Kris at sa November 26 na ang first taping day nila. First time yatang magsasama sa soap sina Kris at Gabby at ibang tambalan na naman ito. Gagawin daw mala-Tayong Dalawa ang scope ng Kris-Gabby soap. Sa Nov. 26 din ang first shooting day ni Robin ng movie nila ni Toni Gonzaga at posible pa rin silang magkasama sa soap ni Kris dahil hindi raw pumayag si Malou Santos na movie lang ang pipirmahan ni Robin, kundi pati na rin sa TV. Anyway, may bagong endorsement si Robin dahil siya ang bagong endorser ng Jag at kahapon siya pumirma ng kontrata sa office ng jeans company sa Muntinlupa. * * * Hindi lang naikuwento ni Katrina Halili, pero may next show na siya after Rosalinda at ito'y ang Darna. Ibabalik ang karakter niya bilang si Black Valentina na nakalaban sa Darna ni Angel Locsin noon. Last taping day niya sa Rosalinda sa November 8, kaya walang conflict 'pag nagsimula na siyang mag-taping para sa Darna. Makakasabay ni Katrina pagpasok sa Darna si Dennis Trillo bilang si Efren, the same role na ginampanan niya rin dati. Sa istorya, mag-a-advance ng taon ang Darna ni Marian at magpapatuloy sa Darna ni Angel, kaya makikilala niya sina Efren at Black Darna. Matutuwa ang fans ni Katrina na muli siyang makita in a sexy costume kahit kontrabida role na naman. Sa tsismis na naka-display pa rin ang pictures niya sa pad ni Kris Lawrence, ang sagot ni Katrina ay "kasalanan ko ba kung ayaw niyang tanggalin ang pictures ko?" Samantala, parang hindi na takot si Katrina na ma-typecast na kontrabida dahil napatunayan niyang kaya rin niyang magbida. In fact, nominated na Best Telenovela sa Emmy Awards ang Magdusa Ka, ang first bida role niya at masaya siya sa nomination. * * * sa Ikaw Sana, babagsakan ng phone ni Don Ramon (Tony Mabesa) si Eliza (Jennylyn Mercado) at wala na itong makontak dahil pinalitan ng Don ang lahat ng numbers sa bahay nila. Walang nangyari sa imbestigasyon ni Amanda dahil hawak ni Loreta si Philip. Iniipit ang mga sulat na ipinapadala ni Eliza sa pamilya, kaya walang nakakarating. Magagalit na si Michael (Mark Herras) kay Eliza nang 'di ito makarating sa birthday ng anak nilang si Niña at tuluyan na niya itong kalilimutan. * * * Mamaya sa Stairway to Heaven, iipitin ni Cholo (Dingdong Dantes) si Jenna (Rhian Ramos) para mag-overtime sa office at magkaka-moment uli sila dahil doon. Hindi makakarating si Jenna sa date nila ni Charlie (TJ Trinidad) dahil sa overtime. Muling magkikita ang mag-amang Jenna at Jovan (Jestoni Alarcon) na 'di pa rin magkakilala. Source: Taliba |