Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Gabby pinangatawanan ang pagiging singer

Author: People's Taliba

Pinangatawa-nan na ni Gabby Concepcion ang pagiging singer dahil out na sa market ang kanyang album under Warner Music Philippines.

At sa Aug. 14, Thursday, 9 p. m. ay patitikim niya tayo ng kanyang mga awi-tin sa Zirkoh, Timog -- kasama sina Toni Gonzaga, Valerie Concepcion, Joross Gamboa -- titled Faces, Voices & Bodies.

Patutunayan niya talaga na isa na si-yang ganap na recor-ding artist.

Guests din ang Baywalk Bodies, sina Ra-phael Martinez, Lex Lopez at Eleonor G.

May tamang sang-kap ang naturang show dahil pinagsama-sama ang tinaguriang all-time matinee idol, mga sikat, sexy at naggagandahang singer-actress at mga guwapong bagets na pagpapantasyahan. First time din na magkakasama sina Gabby at Toni.

Muli ay patutunayan ni Toni sa show na ito ang kanyang versatility at pagiging Ultimate Multimedia Star.

Unang pagkakataon din na magsasama ang dalawang Concepcion sa show -- Gabby at Valerie.

Pero patikim lang ang mangyayari riyan dahil may concert din si Gabby sa Music Museum at Ara-neta Coliseum.

"Nu'ng umuwi ako sa Pi-lipinas, ang ini-expect ko ay gagawa ako ng pelikula, pero TV ang unang ginawa ko, then nangyari na lang na gumawa naman ako ng album sa Warner. Hindi ko naman inisip na magkakaroon ako ng album, ginagawa ko lang kung ano 'yung gusto ng tao. Lahat ng mga nangyari sa akin ngayon, hin-di ko plinano. Siguro, ito na 'yung reward dahil madalas akong nagdadasal at humi-hingi ng tawad sa lahat ng nangyari sa buhay ko. Basta ginagawa ko lang lahat para hindi makasakit ng tao. Para 'pag umexit ako, siguro naman ay maalaala nila ako sa magandang nagawa ko.

Iniisip ko 'yun, e! ano ba ang puwede kong iiwan sa alaala ng tao pag wala na ako? Alam mo ang hindi ko naisip na mangyayari nga-yon, gumawa ng CD, na hindi ka lang makikita ng tao sa pelikula, TV at live shows kundi maririnig ka pa nila," deklara ni Gabby.

Samantala, may reak-syon din si Valerie Concepcion na makakasama niya si Gabby sa Aug. 14 sa Zirkoh, Timog.

"My long-lost father," pagbibiro niya.

"Siyempre, ang guwapu-guwapo pa rin ni Gabby. Napapanood ko noon ang movies niya, wala pa ring ipinagbago. Excited ako sa show. Kung gus-to niya, puwede rin kaming mag-du-et," ani Valerie.

Anyway, front acts sa Faces, Voices & Bodies ang Hot Tsikz member na sina Yellow Milano, Trisha Gayod, Kobe Bryant Yulo, Kaye Hiñola, Jmore, Camille Tarray, Mo Jack, Garry Esguerra, Princess Mampusti & Pinky Fernandez.

Kasama rin ang nagguwapu-hang Windbraker Dancers na ba-gong titilian at iibigin.

Ang Faces, Voices & Bodies ay sponsored by Lucida DS, Vaniderm, Mendez Medical Group, Aficionado Germany Perfume, Joel Cruz Signature Queen Petals (0929-2029895), Burger King Timog, New Placenta, Hataw, Pinoy Pamilya Negosyo. Com, Secure, at Pingping Lechon.

Ito ay produced ni Roldan Castro at sa direksyon ni Victor Felarca.

For more inquiries, puwedeng tumawag sa 09236491784 & 4674088. Ang teaser ay mapapanood sa YouTube: http://www. you-tube. com.

Source: Taliba