|
|
| Gabby, walang inisyatibong makipag-aregloAuthor: Vinia Vivar Last Wednesday, nagpatawag ng press conference si Mommy Rose Flaminiano sa Rembrandt Hotel kaugnay ng bagong isinampang kaso against Gabby Concepcion. Timing naman na mainit na mainit din nang araw na iyon ang reklamo laban sa kanya nina Aster Amoyo, Aubrey Miles at Maui Taylor tungkol naman sa bahay at lupa sa Tarlac. Kaya, halos lahat ng TV and tabloid reporters, siya ang hinahabol para makunan ng pahayag. Pero kahit anoâng pilit, hindi nagbigay ng anumang statement si Mommy Rose sa mga isyung ibinabato sa kanya. Instead, ang abogado niyang si Bonifacio Alentajan ang humarap sa entertainment press para sagutin ang mga tanong at tuloy ay idetalye ang bagong kasong isinampa nila against Gabby. Criminal case ang bagong kaso laban sa aktor na Estafa and Deceit. Nag-file sila last Tuesday sa QC RTC. Ito ay kaugnay ng diumanoây hindi pagsipot ni Gabby sa mga show na tinanguan ni Mommy Rose. Nakasaad sa dokumento ng kasong isinampa na may 11 shows na hindi nasipot ang aktor nang wala umanong dahilan gayung binigyan siya ng P800,000 ni Mommy Rose bilang downpayment. Base sa papeles na nakuha namin, ang mga show na hindi nasipot ni Gabby ay: Batangas City (Sept. 5), Angeles Mimosa (Sept. 6) Cebu City (Sept. 12), Cagayan de Oro City (Sept. 13), isang major concert (Sept. 19), San FDO Pampanga (Sept. 20), Davao (Sept. 26), Lucena City (Sept. 27 at Oct. 3), San FDO La Union (Oct. 4) at Dagupan City (Oct. 10). Nakasaad din sa papeles na ang hindi pagsipot ni Gabby ay nagdulot ng serious damage at prejudice sa complainant at sa event organizers. Hindi rin daw ibinalik ng aktor ang downpayment. Matatandaang pangalawang kaso na ito na isinampa ni Mommy Rose against Gabby. Last September 16, nag-file siya ng Specific Performance and Damages. Ayon kay Atty. Alentajan, open sila sa amicable settlement, pero as of now, wala pa raw nanggagaling na inisyatibo mula kay Gabby para makipag-areglo. * * * Tungkol naman sa complaint at class suit na isinampa nina Aster, Aubrey and Maui laban kay Mommy Rose, ani Atty. Alentajan, wala pa siyang nakikitang kahit anoâng dokumento hinggil sa naturang reklamo at hihintayin na lang muna nila itong dumating. âKapag dumating âyung complaint, sasagutin namin,â pahayag ng abogado. Pero base sa kanyang kaalaman, ani Atty. Alentajan, sinagot ni Mommy Rose ang downpayment ng bahay ng mga nasabing complainant. âPero âyung monthly, sagot na nila (complainants) âyon, eh, sila ang umutang duân, eh. Tapos, sasabihin nila, hindi raw sila umutang. âEh, paano âyung pinirmahan nila roon, âyung mga loan application nila? Ibig sabihin, bulag sila nang pirmahan nila âyon? Eh, matatalinong mga dalaga ito,â sabi pa ng abogado. Hindi rin alam ng lawyer kung totoong mahigit sa 70 katao ang nagrereklamo laban sa kanyang kliyente, pero sa ngayon, wala pa raw siyang nakikita kahit isa. âHintayin muna natin ang ipadadala sa amin ng HLURB (Housing and Land Use Regulatory Board). âWala pa naman, eh. Sabi-sabi lang. So, sino âyung mga 70 na âyon? Wala, walang ganuân. Endorsers ba lahat âyon?â tanong pa ng counsel ng lady produ. * * * Inihayag ng veteran writer-PRO na si Nap Alip ang launch ng kanyang libro na The Untold Stories ngayong October 24, 3 p. m. , sa Mowelfund Plaza. Ang nasabing aklat ay tungkol sa mga nakatrabaho niyang celebrities bilang PRO, kabilang na ang late Fernando Poe Jr. at Nida Blanca, Amalia Fuentes, Niño Muhlach, Sen. Bong Revilla at Lani Mercado. Isinali ni Nap ang unforgettable personalities for him gaya nina Sharon Cuneta, Aga Muhlach at Perla Bautista. Nagpapasalamat siya sa mga sponsor ng libro na sina Sharon, Alex Muhlach ng Muhlach Bakeshop, Boyet Blas ng Mabuhay Beauty. com, FAMAS president Jimmy Tiu, chairman Melchor Retizo ng Brgy. 88 Caloocan City, QC Vice Mayor Herbert Bautista, Malou Choa-Fagar at Sen. Bong Revilla. Inaasahang dadalo sa launching sina Sharon, Amalia, Susan Roces, Aga, Niño, Sen. Bong, Lani, Kaye Torres at Perla, gayundin ang iba pang celebrities na malapit sa may akda. Tribute rin ito sa dating child superstar na si Niño sa nalalapit niyang kaarawan sa Oct. 27. Ang beneficiary ng libro ay ang Movie Writers & Press Photographers Association of the Philipplines. Source: People's Tonight |