|
|
| Galit ng Marian fans kay Rhian, 'di makontrol ni Dingdong!![]() Author: Jun Nardo Malabo na ngang magkaroon pa ng Valentine movie sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, dahil wala pang preparasyong ginagawa tungkol sa nabalitang project nila para sa mga lovers. Ang paggawa ng Andong Agimat ang gagawin ng aktor kapareha si Rhian Ramos na inuulan muli ng hate-emails mula sa fans nila ni Marian. Sa gitna ng SM Megamall Activity Center last Thursday ay hiningan namin ng sagot si Dong bago ang kanyang pagpirma sa bumili ng bookazine niyang Yes! Life Stories: Dingdong, kung saan siya ang unang featured artist. “Hindi ko talaga makokontrol 'yon. Nirerespeto ko ang desisyon nila. Basta ako, ginagawa ko nang maayos ang trabaho ko and I want to do everything para mapaganda ang character. Pero siyempre, hindi sumusobra. Hindi going beyond borders!” paliwanag ni Dong. Teka nga pala, part ba si Marian ng kanyang Yes! Pinoy Foundation dahil sa mga publicities, silang dalawa parati ang magkatuwang sa pagbibigay ng donasyon? “Oo, in fact, siya ang isa sa inspirasyon ko sa Yes! Pinoy dahil binigyan niya ako ng lakas at nagtiwala siya sa akin together with my family para itayo ito,” sey ng aktor. Pero, in love pa rin ba siya ngayon? “Always! Always! Ha! Ha! Ha!” sambit ni Dong. Siyanga pala, nagkausap na ba sila ng kaibigang si Sunshine Dizon na nawawala raw at tinanggal na sa soap opera niyang Tinik sa Dibdib? “Oo! Kami naman, may communication palagi. I think, she just needs to relax and recharge a bit. Pagbalik niya, it will be Sunshine, version seven siguro! The best version. Ako kasi, naniniwala sa kakayahan niya having these awards. Naniniwala akong makakabalik siya,” pagtatanggol ni Dingdong sa kaibigan. Hindi na inapela ng GMA Films ang R-13 na rating ng Patient X na ibinigay ng MTRCB. Without cuts naman kasi ito kaya naman very proud ang mga producers sa resulta ng Richard Gutierrez-Cristine Reyes starrer. Sinusulsulan nga ang producers ng movie na mag-appeal sa ratings ng Board. Pero hinayaan na lang nila ito maging si Chard dahil ayaw nilang isakripisyo ang artistic integrity ng movie. Ayon kasi kay Joey Abacan ng GMA Films, “Nakakatakot talaga 'yung movie!” Siyanga pala, ngayong gabi ang premiere ng Patient X sa SM Manila Cinema 4 at sa Lunes naman ang invitational screening sa Greenhills Promenade. Source: Abante |