|
|
| Game show, iiwan ni Kris?Column: Tell & Tell Super saya ang presscon ng Cover Boys, na kinabibilangan ng mga guwapong hunk actors at singer wannabe na sina Jake Cuenca, Rafael Rosell, Victor Basa, Jon Avila, Will Devaughn, Zanjoe Marudo, Ron Morales, John James Uy at Marvin Raymundo. Magkakaroon kasi sila ng concert sa Music Museum on May 9 and 10 produced by ASAP Live and MJM Productions. Mga game at sport sumagot ang mga damungkang kahit may kaberdehan ang tanong sa kanila like kung papayag ba silang padilaan ang kanilang nipples sa audience participation portion. Halos karamihan, "yezzz, why not?" ang sagot. Si Jake lang ang nagsabing "pang-private or pang-bedtime" lang 'yon, na ewan kung kay Roxanne Guinoo lang naka-reserve ang ganu'ng eksena, tsuk! Tawa naman nang tawa si Will Devaughn nang intrigahin kung natatakot ba siyang maagaw ni Vic Sotto ang nililiyag niyang si Riza Santos na ngayon nga ay may ginagawang pelikula with Vic and Dolphy. "No, hindi ako natatakot. Walang threat," natatawang sabi pa ng Will of Fortune, este, Will Devaughn, nang aming ma-corner for some intriguing questions. Hindi pa raw sila committed ni Riza. "Pero ang feeling ko may chance," pag-amin pa nito. Kung ilang percent ang chance niya from a scale of one to 10, "Ten, ay ano, 11, 11 ako!" birong sey nito, na ewan kung nagbibiro nga lang. At kung super saya ang presscon ng Cover Boys, super nakakatakot naman ang preview ng Maligno, lalo na ang pagka-demonyo ni Rafael, na obsessed kay Claudine Barretto. Nilinaw ni Rafael na hindi naman niya nasapawan si Diether Ocampo, leading man ni Claudine. Pero sa pilot episode pa lang nito'y pinahanga na kami agad nitong si Rafael, in fairness, lalo na ru'n sa rape scene niya with Claudine. At take note, hubo't hubad ang Rafael at wala raw plaster ang notes, huh! Yezzz, mga baklita, kaya huwag na huwag n'yong palalampasin ang rape scene ni Rafael kay Claudine sa Maligno at huwag na huwag kayong kukurap para makita n'yo ang gusto n'yong makita, tsuk! * * * Iba ang topic ngayong Linggo sa Sharon. Marriage versus live-in ang tema. Guests ni Sharon Cuneta sina Kim Atienza at wife Fely Atienza, Archie Alemania Inamin ni Archie na nagkaroon ng focus ang buhay niya nang magkaroon siya ng dalawang anak — isa kay Mickey Ferriols at isa sa isang non-showbiz girl. Si Andrea naman, foreigner ang boyfriend at open sa concept ng living-in, pero gusto pa rin niyang magpakasal. Sina Kim at Fely naman, nag-live-in muna bago nagpakasal. They've been married for four years now. * * * Hindi naman porke babalik na si Kris Aquino sa The Buzz, eh, iiwan na nito ang Wheel of Fortune at ipauubaya na lang uli sa iba (tulad ng PGKNB kay Edu Manzano at kay Ruffa Gutierrez naman sa The Buzz). Ayon kay Zara Aldana, hanggang June pa mananatili sa ere ang WOF at si Kris pa rin ang host Lunes hanggang Biyernes, 6 p. m. , bago mag-TV Patrol World sa ABS-CBN. Source: People's Tonight |