Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Game show ni Edu nag-goodbye na

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

Marami ang nalungkot sa pagtatapos ng Pilipinas, Game Ka Na Ba? dahil nag-last taping day na si Edu Manzano sa hosting stint last Monday.

Dumalaw kami sa studio at napanood namin ang ma-sayang pagsasama-sama ng past winners na muling naglaro para sa mga naging biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng.

Dahil last taping day ni OMB Chairman Edu sa PGKNB that same day ay sinalubong siya sa kanyang pagbabalik sa Umagang Kay Ganda.

A few months back ay nagdesisyon din si Edu na iwan muna ang UKG dahil masyado siyang naging aba-la sa Optical Media Board.

Ibinalita ni Chairman Edu na tapos na ang kanyang tungkulin bilang Chairman ng OMB since he opted to retire earlier dahil magtatapos na rin ang termino niya sa December.

Tinanong namin siya kung ano ang plano niya after PGKNB na magtatapos na.

"Ahh, wala. May Umagang Kay Ganda ako bukas eh," kaswal na sagot ni Edu.

Diretsahang tinanong din namin ang TV host sa bali-balitang tatakbo siyang senador sa 2010 elections.

Isa raw ang dating OMB chair na pinagpipilian ng partido ni Pangulong Erap Estrada na makasama sa kanilang list of senatoriables.

"Well, pinag-iisipan pa rin. Marami ang nago-offer, maraming dapat pag-isipan," maikling sambit ni Edu na tila pinag-iisipan pa if he'll give politics a try.

Nasa line-up nga ba siya ng Puwersa ng Masa?

Nilinaw naman ni Edu na imbitasyon pa lang ang mayroon sa pagitan nila ng Puwersa ng Masa.

So far, wala pang malinaw na kasunduan o agreement at ayon kay Edu ang si Senador Jinggoy Estrada ang nagpasabi sa kanyang iniimbita nila si Edu to join the party.

To this day, pinag-iisipan pa ni Edu kung sasabak talaga sa pulitika dahil this November na ang umpisa ng filing of candidacy sa Comelec.

Sa tanong kung ilang percent na lalahok siya sa eleksyon next year, sinagot niya ng , "Hmmmn, 85%, 'yung 15%, may mga bagay pa rin akong pinag-iisipan. "

Iginiit ni Edu na imbi-tasyon pa lang ito mula kay Senador Jinggoy, gaya rin ng offer sa kanya ng ibang partido.

Nothing is definite yet according to Edu at wala pa siyang kinukupirma at pinag-iisipan pa rin niya ang lahat hanggang ngayon.

* * *

Tiyak na enjoy ang lahat sa panonood ng Lovers in Paris dahil naibalik na ang kuryente sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.

Habang tumatagal, lalong lumulutang ang chemistry nina Piolo Pascual ( Carlo) at KC Concepcion (Vivian).

Nakakakilig ang mga eksenang to the rescue lagi si Carlo kay Vivian kapag nalalagay ito sa alanganin.

Sa darating na mga araw ilan pang karakter ang makakaharap ni Vivian at tiyak na magiging masa-limuot ang buhay niya sa mga taong ito.

Naroroyan ang ama ni Carlo (Christopher de Leon) na chairman ng isang malaking kumpanya; si Eunice (Assunta de Rossi), ang babaing pilit na ipakakasala kay Carlo pero hindi type ng binata.

Maging si Megastar Sharon Cuneta ay aminadong hindi gigil na gigil 'pag inaapi si KC sa mga eksena.

Sa interview kay Sharon sinabi niyang pinapanood niya ang Lovers in Paris at talagang nakiki-emote siya kapag inaapi ang anak.

Kinikilig din si Mega sa mga eksena nina Vivian at Carlo.

In fairness, bagay din si-na Vivian at Martin (Zanjoe Marudo) na ruggedly-handsome kaya bagay din kay KC.

Nariyan din si Karen (Maricar Reyes) ang sophisticated na ex-wife ni Carlo, na talagang magiging threat sa pagmamahal ni Vivian sa kanyang boss.

Magpapatalbog ba naman si Martin sa tiyuhin niyang si Carlo, kahit hindi pa rin niya matanggap na karibal niya ang paboritong tiyuhin sa pagmamahal ni Vivian.

Ma-confuse din kaya ang puso ni Vivian dahil muk-hang mahihirapan siyang pumili.

Kaya abangan ang mga kapana-panabik na eksena sa Lovers in Paris sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Source: Taliba