|
|
| Gary V., 4-oras nakulong sa Qatar!Author: Jojo Gabinete NGAYON ang shooting ni Jessica Rodriguez at ng kanyang anak na si Breanna para sa isang commercial. Dalawang araw ang shooting, ngayon at sa Huwebes. Tuwang-tuwa si Jessica dahil nagbunga ng maganda ang madalas na pagpunta nila ng kanyang mga anak sa mga go-see at audition. Doble ang kasiyahan na nararamdaman ni Jessica dahil bukas naman ang unang araw ng shooting ng kanyang anak na si Grant para sa pelikulang Ocean of Dreams. Mag-iisang taon na mula nang umalis sa Pilipinas ang pamilya nina Jessica at David Bunevacz. Hindi sila nagsisisi sa desisyon na mag-migrate sa Amerika dahil mas tahimik at simple ngayon ang kanilang pamumuhay. Hindi pa kami sigurado kung panonoorin namin ang laban nina Manny Pacquiao at Oscar dela Hoya sa darating na Linggo dahil kasunod na araw ito ng dance concert nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Shrine Auditorium. Kung manonood kami ng laban nina Manny at Oscar, kailangang dumiretso kami sa Las Vegas, pagkatapos ng show nina Dingdong at Marian. At kung pupunta kami sa Las Vegas, balak namin na imbestigahan ang pagpapakasal ni Ai Ai delas Alas para malaman namin ang identity ng tao na kanya raw pinakasalan. Sinubukan namin na i-search sa Marriage Inquiry System ng Clark County ang marriage record ni Ai-Ai, pero hindi lumabas ang kanyang pangalan. Iba't-ibang klase ng human ang mapapanood sa Masquerade nina Maverick at Ariel. Ang human Christmas tree, human head basketball, human musical instruments at human knife. Ipakikita rin ng dalawa sa kanilang top-rating Wednesday program sa GMA 7 ang horror in the ladies room. Apat na oras na na-detain si Gary Valenciano sa Qatar airport noong Biyernes at nanggaling ang report mula sa kanyang misis na si Angelina Valenciano: “Gary was detained for 4 hours at Qatar airport because his passport was lost or stolen between the Qatar Airways gate in Dubai and the plane, Friday at 12:30 noon. He was released due to his being UNICEF ambassador. He did back-to-back concerts in Dubai and Qatar, Thursday and Friday. Over three thousand went to Dubai while six thousand tickets were sold in Qatar. Next stop, Oman, December 4 and Bahrain, December 5. Source: Abante |