Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Gary V handa na sa pagpapaalam ng mga anak

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

INAMIN ni Gary Valenciano na nagparamdam na ang anak niyang si Gab na mag-aasawa na ito.

Kaya inihanda na rin niya ang sarili at kanyang asawang si Angeli sa panahong 'magpapaalam' na sa kanilang po-der ang dalawang anak na la-laki. Naibulalas ni Gary sa presscon ng As 1 concert nila ni Martin Nievera na magaganap sa Sept. 19, 8 p. m. sa MOA concert ground: "Nagpaalam na si Gab sa amin. Mag-aasawa na raw siya four years from now. Pinaghandaan ko na itong pagpapakasal ng mga anak ko. Ako nga'y mas maaaga pang nag-asawa noon. Na-tutuwa ako sa mga anak ko dahil may iba't ibang career silang tinatahak. Nag-aaral sila ngayon para ma-improve ang kanilang craft. Wala akong problema sa kanila. Ang trabaho nga-yon ni Gab sa production niya ay hindi ko nagawa no-ong kabataan ko. "

* * *

KARARATING lang ni Martin Nievera mula sa U. S. nang magpa-presscon ng As 1 . Kaya wala siyang alam sa present lovelife ni Pops Fer-nandez.

Nang sabihin ng press na may bagong idini-date si Pops, wala siyang nai-comment. Hindi pa raw sila nag-uusap ni Pops buhat nang dumating siya sa Pilipinas. Pero noon daw, ang madalas nilang pinag-uusapan ay tungkol sa kanilang dalawang anak na sina Robin at Ram. Parehong nasa poder nga-yon ni Martin ang dalawang anak dahil nag-aaral ang mga ito sa U. S.

Wala pa ring balak ma-natili sa Pilipinas si Martin dahil may schedule concerts siya sa America, bukod pa sa concert tour ng As 1 sa iba't ibang panig ng U. S.

* * *

SINABI ni Martin tungkol sa kanilang dalawa ni Gary Valenciano na never silang naging magkaaway. Compe-tition lang daw sa singing career ang namamagitan sa kanila.

Kahit kailan ay hindi raw sila bumigkas ng negative para sa isa't isa. Naging takbuhan pa nga raw ni Martin ang mag-asawang Gary at Angeli kapag may mabigat siyang problema. Natatandaan ni Martin, nang naghiwalay sila ni Pops Fernandez, tumira muna siya sa ba-hay nina Gary para magpa-lipas ng sama ng loob. * * *

IBAYONG kaligayahan ang idudulot ng SOP ngayong tanghali dahil kumpleto ang barkada at live na mapapanood ang buong cast. Kahit may boxing bout si Brian Veloria sa Honolulu, Hawaii, hindi mapi-preempt ang live show ng SOP dahil ipapalabas ang boxing at 3 p. m. Live ang SOP sa limang points ng Pilipinas na may remote broadcast. May live feedback mula sa Dagupan, Cebu, Davao City, Iloilo, Stu-dio 5, at Studio 7 ng GMA7.

Launching ng unang rea-lity talent search ng GMA7, ang StarStruct 5. May bonggang birthday celebration si Ogie Alcasid. Mapapanood din ang birthday celebration ni Mother Lily Monteverde. Dadalo ang buong cast ng Adik Sa Yo para ma-maalam.

* * *

LALONG kasasabikan ang Show Me Da Manny nga-yong Sunday night, bago ang

Dantes' Peak ni Dingdong Dantes. No. 1 na sa kanyang timeslot ang sitcom na ito na pinangungunahan nina Manny Pacquiao at Marian Rivera.

* * *

IBANG istorya ng buhay ang tatalakayin ni Bong Revilla ngayong Sunday sa Kap's Amazing Stories. Tulad ng isang tao na sa pagnanais makaalis sa kani-lang lugar ay sumakay sa gu-long ng eroplano. May taong gumawa ng butas para lang makatakas sa kanyang kinapipiitan.

Iba-ibang pamamaraan ng tao para magtagumpay sa kanilang goal sa buhay ang tatalakayin ni Bong na mapapanood pagkatapos ng Showbiz Central.

* * *

PALAGING may panahong mag-host si Chris Tiu sa kanyang programang Ripley's Believe It Or Not tuwing Monday night.

Super- hectic ang sche-dule ng basketbolista, pero sa oras ng kanyang hosting job ay lagi siyang present.

Source: Taliba