Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Gary V-Martin album, gold agad in one week

Author: Leo M. Bukas
Column: Footloose

FOOTLOOSE


AYAW kumpirmahin ni Imelda Papin ang tsismis na buhay-donya siya sa Amerika dahil super rich ang boyfriend niyang Pinoy na nakabase rin doon. Sobrang laki raw ng bahay nito at meron pang elevator sa loob.

"Naku, ayokong ipagyabang 'yang mga ganyang bagay. Siya na lang ang tanungin ninyo.... Basta ako, kung sino ang ibigay sa akin ni Lord, tinatanggap ko. Ang mahalaga ay masaya ako sa kanya," esplika pa niya.

Nasa 'Pinas si Imelda Papin para sa advance promo ng bonggang two-day concert kasama si Melissa Manchester on Dec. 18 (Waterfront Hotel, Cebu) at sa Dec. 19 (PICC Plenary Hall). September dapat ang original schedule ng concert, pero na-move ito ng December.

Si Melissa ang nagpasikat ng mga kantang If This Is Love, Looking Through The Eyes of Love, Don't Cry Out Loud and many more.

Sabi sa amin ni Imelda, masarap na katrabaho si Melissa. "She's very easy to work with, very down to eart and humble. Wala akong masabi sa kanya," kuwento pa niya.

Pareho ba sila ng talent fee sa concert?

"Mas malaki siyempre ang TF niya kesa sa akin kasi sikat siya sa buong mundo. She deserves it at bow ako sa kanya," pag-amin pa ni Imelda.

Dapat daw abangan sa concert ang pagkanta ni Melissa ng Tagalog song na pinasikat ni Imelda. Meron din daw silang duets ng mga hit songs ni Melissa.

Meanwhile, hindi pa rin isinasara ni Imelda Papin ang muling pagpasok sa pulitika sa taong 2010. Dating bise gobernador si Imelda ng Camarines Sur at marami siyang natulungan sa kanilang lugar during her term.

"Pag-aaralan kong mabuti kong papasukin ko ulit ang politics. Pero kung sakaling hindi na, marami pa rin namang ways para matulungan ko ang aking mga kababayan sa Bicol," sey pa ni La Papin.

* * *

SA isang text sa amin kahapon ni Angeli Pangilinan-Valenciano ay nagbigay siya ng updates tungkol sa As One concert nina Gary Valenciano at Martin Nievera na gaganapin sa Sept. 19, 8 p. m. , sa MOA Concert Grounds.

According to Angeli, ilan sa mga celebrities na bumili ng tikets para concert ay sina Sharon Cuneta and husband Kiko Pangilinan, Toni Gonzaga, KC Concepcion and Jinky Pacquiao.

Part of the proceeds ng concert ay mapupunta sa UNICEF, Louie Tabuena Liver Foundation at sa Shining Light Foundation.

Hataw din ang Gary V-Martin As One album sa mga record bar. Ito ang number one album now sa music stores and today, bibigyan sila ng gold record award sa ASAP '09, kung hindi kami nagkakamali.

Bongga naman, huh!

May kopya na kami ng As One album ng dalawa at napakagandang collectors' item nito dahil first time silang nagkasama in one CD.

Excited na rin kaming panoorin ang concert ng dating rival sa music industry on Sept. 19. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magpe-perform sila together in one stage at siguradong hindi maiiwasang magpatalbugan sila.

Available ang tiket ng As One concert sa Ticketnet (911-5555), Ticketworld (891-9999)at sa Manila Genesis (706-2170 to 72).

Source: People's Tonight