Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Gary at Martin, gaya-gaya kay Brad Pitt?

Author: People's Tonight

HINDI aware si Gary Valenciano na pareho at parang kinopya sa poster ng The Curious Case of Benjamin Button ni Brad Pitt ang poster ng As 1 concert nila ni Martin Nievera na mamayang 8 p. m. na gagawin sa SM Mall of Asia Concert Grounds.

Itsi-check daw niya ang poster ng movie ni Brad Pitt para makita.

Bukod sa kanila ni Martin, abangan din ng tao ang number nilang kasama ang mga anak nilang sina Gab Valenciano at Robin Nievera.

Ayaw magbigay ng clue ni Gary kung ano ang gagawin nila, pero sabi ni Gab, hindi siya sasayaw.

Bago pa ang concert, naglabas ang Universal Records ng commemorative CD na As 1 din ang title at nagpalitan ng pagkanta ng kanilang hit songs sina Gary at Martin.

Favorite ni Gary sa mga kanta ni Martin ang Ikaw ang Lahat sa Akin, Be My Lady at How Can I.

Hindi namin nakausap si Martin dahil aligaga sa pagbabantay at pakikinig sa mga sasabihin ni Robin, na first time na-interview ng entertainment press.

* * *

MAGKAKATUKSUHAN mamaya sa Celebrity Duets 3 dahil magkikita ang mag-ex na sina Jomari at Ara Mina, pero hindi sila ang magka-duet.

Si Jett Pangan ang ka-duet ni Jomari sa isang '80s song at si Niccolo Cosme naman ang ka-duet ni Ara.

Si Tirso Cruz III ang ka-duet ni Gina Alajar, si Allan K ang kay Akihiro Sato, si Aiza Seguerra ang kay Maxie Cinco, ang Moymoy Palaboy ang natoka kay Nonito Donaire Jr. , si Gretchen Espina ang ka-duet ni Mikaela.

Wala kaming balita sa makaka-duet ni Joel Cruz.

* * *

FEATURED sa 5Max Movies ng TV5 ngayong Sabado ang The Italian Job tampok sina Mark Wahlberg, Charize Theron, Edward Norton, Seth Green, Mos Def, Donald Sutherland at Jason Statham.

May special screening din ang pelikula sa Barangay Buting, Pasig City.

Bukas, tampok ang The Next Karate Kid, 4th movie sa Karate Kid series. Nagbabalik ang martial arts master na si Mr. Miyagi at si Hillary Swank naman ang kanyang tuturuan.

Napapanood ang 5Max Movies sa TV5, Monday to Sunday, 9 p. m. NM

Source: People's Tonight