|
|
| Gary, humagulgol nang husto sa pagkamatay ni Francis “Tularan natin si Francis...” -- Dingdong Dantes![]() Author: Abante ANG misis ni Gary Valenciano na si Angeli Pangilinan ang isa sa mga una naming nakausap kaugnay sa pagkamatay ni Francis Magalona. Ayon sa kanya, halos hindi na raw tumigil si Gary sa paghagulgol upon learning from Rowell Santiago na namayapa na ang singer-rapper due to his cancer. Halos magkasabay raw sa kanilang showbiz career sina Gary at Francis kung kaya't ganoon na lang ang lungkot ni Gary upon learning the sad news. Kuwento rin ni Angeli, during Kiko's treatment, isa si Gary sa madalas nitong kausap. Kaya raw ngayong araw na ito, sa Eat Bulaga ay magge-guest si Gary sa special episode ng show for Kiko at pinayagan naman daw si Gary na makapag-guest sa E.B. ng ABS-CBN. Sey nga ni Angeli, “Gary crumpled to the floor and broke down uncontrollably when he was watching Vic Sotto announced Kiko's death.” Pareho namang nakasama ni Maxene Magalona sina Alfred Vargas at Angelika dela Cruz sa Una Kang Naging Akin na nagpahayag din ng kanilang kalungkutan sa pagpanaw ni Francis. Ayon kay Alfred, “Nagulat po ako at lubusang nalulungkot noong marinig ko ang balita. Elementary pa lang po ako idol ko na siya. Sobrang inspiring ang mga ginawa niyang mga kanta na hanggang ngayon ay alam ko pa. Binigyan niya ng identity ang Philippine rap music. Nakikiramay po ako sa kanyang pamilya, lalo na sa kaibigan kong si Maxene. Makakaasa sila sa mga panalangin ko.” Si Angelika naman na in two weeks time ay manganganak na ay may message rin for Maxene and her family. “Sobrang nakakalungkot. I will pray for his soul and for his family's strength.” Si Gladys Reyes ay hindi rin daw makapaniwala sa balitang namatay na ito dahil buong akala raw niya, papagaling na ang rapper at mag-a-undergo pa nga ng bone-marrow transplant. Isa rin si Dingdong Dantes sa nagulat at nalungkot sa balita dahil itinuturing daw niya itong isa sa mga idol niya, bata pa lamang siya. Ayon sa aktor, “Mataas ang respeto ko kay Kiko bilang musikero at higit sa lahat, bilang tao. Isa siyang malaking kawalan sa industriya. Nawa'y maging isang magandang ehemplo ang kaniyang pagkatao sa mga baguhan na tumulad sa kaniyang dedikasyon sa trabaho at kultura.” Dugtong pa niya, “Para sa isa sa mga idol ko, Fancis M, ang iyong likhang tugtugin ay buong buhay na magsisilbing diamante na kahit kailan ay hindi mawawala.” Si Marian Rivera na nagte-taping nang mabalitaan ang balita ay nalungkot din. Aniya, “Nakakabigla at nakakalungkot na mayroon na naman tayong Kapusong namayapa?” Maging si Toni Gonzaga na ngayon ay kasalukuyang nasa Canada for a show ay hindi makapaniwala at lubos na nalungkot upon learning her Kuya Kiko's death. Nagkasama ang dalawa noon sa Eat Bulaga bago mag-transfer ni Toni sa Dos at para sa kanya, si Kiko raw ang isa sa pinakamabait na taong nakilala niya sa industry. Sa huli, ang executive head ng Eat Bulaga at TAPE Inc. na si Ms. Malou Choa-Fagar ang masasabing isa sa malapit kay Kiko ang nagsabing ang March 6 is a very sad day for all of us. Source: Abante |