Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Geoff Eigenmann returns to GMA-7 via SRO Cinema Serye

After a five-year term in ABS-CBN, Geoff Eigenmann returns to GMA-7. The young actor officially started his work as a Kapuso yesterday, March 8, the first taping day of SRO Cinema Serye.

Author: Rose Garcia

Kumpirmado na ang paglipat ni Geoff Eigenmann from ABS-CBN to GMA-7. Kahapon, March 8, ang opisyal na araw ng pagbabalik ni Geoff sa Kapuso network dahil iyon ang ang first taping day niya para sa SRO Cinema Serye (dating Obra).

Ang kauna-unahang episode na ito ng SRO ay naging kontrobersiyal dahil sa pag-pull-out kay JC de Vera ng kanyang manager na si Annabelle Rama. Ang role na unang inalok kay JC ang gagampanan ni Geoff (pronounced Jeff) sa kanyang comeback show bilang isang Kapuso.

Kasama ni Geoff dito sina Marvin Agustin, Sheryl Cruz, Maxene Magalona, at Bianca King.

Taong 2004 nang lumipat sa ABS-CBN si Geoff. Ang huli niyang TV project sa Kapamilya network ay ang hosting stint niya sa Palmolive Shining Circle of 10 at ang primetime series na Lobo.

Ayon sa manager ni Geoff na si Perry Lansigan, na manager din ni Dingdong Dantes, naging maayos naman ang pagiging Kapamilya ni Geoff for five years. This time nga lang, ang GMA-7 naman ang may magandang opportunity na ino-offer sa anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa.

Kaya nagpapasalamat sila sa mga naitulong ng Kapamilya network kay Geoff. In fact, bago tuluyang umalis ng ABS-CBN ay nagpadala raw sila ng thank you letter sa Star Cinema at Star Magic.

Sa kasalukuyan ay may pelikula pang sinu-shoot si Geoff sa Star Cinema, kung saan kasama niya sina Maja Salvador, Shaina Magdayao, at Jake Cuenca. Ayon kay Perry, tuloy pa rin si Geoff sa pagsu-shoot ng movie.

Sa ngayon, wala pang konkretong detalye na maibigay ang manager ni Geoff kung ano ang nakapaloob sa magiging kontrata nito sa kanyang paglipat sa GMA-7, at kung ano ang mga susunod niyang projects pagkatapos ng SRO.

This week pa lang daw kasi magkakaroon ng signing of contract si Geoff with the executives of GMA-7. Pero siguradong bukod sa SRO ay may iba pang shows ang posibleng gawin ni Geoff na kasabay ng comeback project niya sa Kapuso network.

Source: Philippine Entertainment Portal